Calendar
Robredo inindiyan caravan sa Lian, supporters dismayado
DISMAYADO ang ilang residente ng Lian, Batangas dahil sa hindi pagsipot ni Leni Robredo at kanyang katambal na si Kiko Pangilinan sa caravan nitong Sabado na matagal ng naka-schedule sa naturang bayan.
Giit ng ilang residente tila panloloko raw ang nangyari dahil hindi agad sinabi sa imbitasyon ng mga organizer na hindi makararating ang kanilang kandidato.
Gumamit pa raw ng mga artista na nagpadala ng kanilang mga video sa mga social media para manghikayat na lumahok sa gagawing caravan pero kahit isa sa mga nag-imbitang mga artista wala ring dumalo.
“Parang nabudol ang mga taga-Lian, gumamit pa ng mga artista yun pala sila sila lamang ang magka-caravan,” ayon sa Isang galit na residente.
“Parang nakakainsulto naman, porke’t maliit lamang ang bilang namin hindi na niya pupuntahan. Para tuloy akong nagdadalawang isip na bumoto sa kanya,” ayon pa sa Isang residente.
Ayon sa record, nasa mahigit 35, 000 lamang ang botante sa Lian, Batangas na halos may 60, 000 populasyon.
Pansin pa ng ilang mga residente, nilangaw din ang event dahil karamihan sa mga dumalo ay mga mayayaman lamang na may mg sariling kotse.
“Sila-sila lang, puro mayayayaman,” ayon pa sa residente.