Willie Hinaharana ni television host Willie Revillame si Lakas-CMD vice presidential candidate, Davao City Mayor Sara Duterte Biyernes ng gabi sa kanyang Wowowin show sa Cebu City Sports Complex sa Cebu City. Tinawag ni Revillame si Duterte na “ilaw ng tahanan nating lahat”. Kuha ni VER NOVENO

Willie Revillame todo suporta kay Mayor Sara

180 Views

INENDORSO ni actor-television host na si Willie Revillame si vice presidential candidate Sara Duterte.

Sa kanyang Wowowin show sa Cebu City Sports Center noong Marso 18 kinanta pa ni Revillame ang “Ikaw Na Nga” na pinalitan niya ang isang linya ay ginawang “Sara ikaw na nga” upang ipahayag ang suporta sa mayor ng Davao City.

“Basta Ma’am Sara, kung ano’ng maitutulong namin sayo, kung ano’ng maitutulong ko, kung kailangan mo ako, walang kabayaran, ang gusto ko lang ang ngiti sa labi ng ating mga kababayan,” sabi ni Revillame.

Ayon pa kay Revillame ang liderato ng isang Sara Duterte ang kailangan ngayon ng mga Pilipino upang maibsan ang kanilang paghihirap sa tulong ng mga programa sa edukasyon, kalusugan at seguridad.

“Marami ng batas na ginawa Senado. Pero ang batas ng tiyan ng bawat Pilipino at batas ng pangangailangan ng bawat Pilipino, yon ang kailangan nating gawin. Kung walang pera, walang pang-aral, paano na? Yan ang ilalapit natin sa mahal nating ilaw ng tahanan, walang iba —Mayor Inday Sara Duterte,” dagdag pa ni Revillame.

Isang recorded video message ni Pangulong Rodrigo Duterte ang ipinalabas sa show kung saan nito sinabi nito sa anak na si Mayor Sara na mag-focus sa trabaho at mahal niya ito.

Nagpasalamat si Duterte kay Revillame at audience ng kanyang show sa ipinakitang suporta sa kanya.

“Nagapasalamat ko kay Willie Revillame sa pag imbita sa amoa dinhi nga mutambong sa iyang show ug kaninyong tanan mga taga-Cebu, daghang salamat,” sabi ni Duterte.