Calendar
Rodriguez: Debate kay Leni di mangyayari
Taumbayan kailangan positibong pangagampanya ni BBM vs panlilinlang, paninira ng kampo ng dilawan
IPINAHAYAG ni Atty. Vic Rodriguez, chief of staff at tagapagsalita ni presidential front-runner Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr., na hindi kailanman mangyayari ang hamon ni Leni Robredo na debate kay Marcos sa ilang kadahilanan na alam ng nasabing ginang ng mga dilawan.
Idiniin ni Rodriguez na ang kailangan ng mga mamamayan na naghihirap sa panahon ng krisis dulot ng pandemya ang “makitang kalmado lang na nangangampanya at hindi nag-aaway at nagsisiraan ang mga taong naghahangad na mamuno sa bansa.”
Dahil dito ikinumpara ni Rodriguez ang magkaibang istilo ng pangangampanya ng nangungunang kandidato bilang pagka-pangulo na si Marcos at ni Robredo na malayong malayo ang voters preference rating kumpara kay BBM.
“Positibong pangangampanya at walang paninira ang gabay ng UniTeam ni Bongbong Marcos. At derecho sa taumbayan ang mga mensahe nito at ang panawagan ng pagkakisa. Pawang mga negatibo, panlilinlang at paninira naman ang sa kampo ng dilawan,” ani Rodriguez.
Sinabi naman ni Rodriguez na nauunawaan nito ang kabiguang naramdaman ni Robredo na makaharap sa isang pagtatalo at bangayan si Marcos.
Narito ang buong pahayag ni Rodriguez:
“Nauunawaan ko ang kabiguang naramdaman ni Ginang Robredo na makaharap sa isang pagtatalo at bangayan si presidential frontrunner na si Bongbong Marcos.
Maaari po na silang dalawa, na parehong naghangad na maging pangulo ng republika, ay magkaiba ng paniniwala hinggil sa pamamaraan ng pakikipagtalastasan sa mamamayan.
Positibong pangangampanya at walang paninira ang gabay ng UniTeam ni Bongbong Marcos. At derecho sa taumbayan ang mga mensahe nito at ang panawagan ng pagkakisa. Pawang mga negatibo, panlilinlang at paninira naman ang sa kampo ng dilawan.
Sa panahon ng krisis sa ekonomiya na dulot ng pandemya ay malaking ginhawa marahil sa naghihirap na mamamayan ang makitang kalmado lang na nangangampanya at hindi nag-aaway at nagsisiraan ang mga taong naghahangad na mamuno sa bansa.
Sa debate na hamon kay presidential front-runner Bongbong Marcos ay hindi ito kailanman mangyayari sa ilang kadahilanan. At batid ni Ginang Robredo ang mga kadahilanang ‘yan.”