Rodriguez

Rodriguez ginamit sa scam

304 Views

Suspek

Lady con artist nag-solicit gamit pangalan ni BBM chief-of-staff Atty. Rodriguez, arestado

INARESTO ng National Bureau of Investigation (NBI) ang isang babaeng nag-solicit ng pera, gamit ang pangalan ni Atty. Vic D. Rodriguez ang chief of staff at spokesman ni presidential frontrunner Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr.

Modus operandi umano ng suspek at ng kanyang mga ka-grupo na manghingi ng tulong gamit ang pekeng FB account ni Rodriguez upang ibigay umanong tulong sa mga biktima ng bagyong Agaton.

Sa report ni Atty. Jerome Bomediano, hepe ng Special Action Unit (SAU), kay NBI officer-in-charge Director Eric Distor, kinilala ang suspek na si Caseilyn dela Cruz Cardenas, 31, naninirahan sa 1018 Morales St., Lolomboy, Bocaue, Bulacan.

Nadakip ang suspek base sa reklamong isinampa nina Rodriguez at ni Arsenio Boy Evangelista ng Volunteers Against Crime and Corruption (VACC).

Nabatid na Abril 18 nang maghain ng reklamo si Rodriguez sa NBI upang paimbestigahan ang nakarating sa kanyang impormasyon na may ilang indibidwal ang gumagamit ng kanyang pekeng Facebook account para lamang mag-solicit ng pera sa mga mayayamang negosyante.

Sinabi ni Executive Officer for Administration Kristine dela Cruz, ng NBI-SAU, base sa kanilang imbestigasyon, si Cardenas ang tumatanggap ng pera mula sa iligal na pagso-solicit gamit ang pangalan ni Rodriguez.

Ang modus-operandi umano ng grupo ng suspect ay magtatawag o magpapadala ng message sa ilang mayayamang businessmen saka manghihingi ng donasyon para umano sa relief operation ng BBM camp sa mga biktima ng bagyong Agaton.

Sinabi ni Rodriguez na marami nang kaibigan ang tumawag sa kanya hinggil sa ganitong uri ng pagso-solicit at isa sa nagbigay sa kanya ng impormasyon ay si Evangelista.

Diumano, ang hinihingi ng grupo ni Cardenas ay P120,000 bilang ‘shipping fee’ sa mga delivery ng mga tonelada ng bigas.

Ipinapadala ito sa pangalan ng isang Jennylyn E. Complido, may BDO account No. 002430167693.

Ayon kay Atty. Mark Santiago, executive officer for operations ng NBI-SAU, kaagad niyang inatasan si Senior Agent (SRA) Levi Anthony Royeras na magkasa ng entrapment operation laban sa suspect.

Naaresto ang suspect noong gabi mismo ng Abril 18, sa mismong lugar ng suspek sa Bulacan.

Nakuha sa kanya ang isang iPhone 6 unit, isang piraso ng BDO ATM card at resibo ng Cebuana Lhuillier Pera Padala.

Sa kanyang panig, itinanggi ni Cardenas ang sumbong laban sa kanya.

Aniya, isang nagngangalang Kiko na umano’y nakakulong sa New Bilibid Prison (NBP) ang nakiusap sa kanya na mag-open ng account dahil may idedeposit umanong pera na pambili ng sasakyan.

Inamin nito na bago ang pagkakaresto sa kanya ay may P50,000 nang naideposit sa kanyang bangko at ipinadala niya ito kay Kiko sa pamamagitan ng Cebuana Pera Padala.

Nang tanungin ang tunay na pangalan ni Kiko, walang matukoy na malinaw na detalye ang suspek. High school batch lamang aniya niya ito sa Lolomboy National High School.

Nakakulong na ngayon sa NBI detention cell ang suspect na sinampahan na sa Bulacan Police Provincial Office si Cardenas ng paglabag sa RA 10175 (Cybercrime Prevention Act of 2012) at attempted estafa in relation to RA 10175.

Rodriguez thanks NBI-SAU, warns scammers

“I have not asked from, nor have authorized anyone, to solicit funds for our campaign, disaster relief operations or for any other lawful purposes. I thank the National Bureau of Investigation-Special Action Unit (NBI-SAU) for its swift investigative and law enforcement response. Let this arrest serve as a stern warning to others who form part of this group that we shall take all legal means necessary to stop their criminal activities and make them fully accountable for their deplorable deeds,” ani Rodriguez.