Just In

Calendar

January 2025
M T W T F S S
 12345
6789101112
13141516171819
20212223242526
2728293031  
Romero

Romero optimistiko na maipapasa mga panukalang batas kaugnay sa cyberattacks

Mar Rodriguez Apr 17, 2024
144 Views

Romero1OPTIMISTIKO ang chairman ng House Committee on Poverty Alleviation na si 1-PACMAN Party List Cong. Michael “Mikee” L. Romero, Ph.D., na sa pagbabalik ng session ng Kamara de Representantes ay agad ng maipapasa ang mga panukalang batas na magbibigay ng proteksiyon laban sa “cyberattacks”.

Sinabi ni Romero na napakahalagang agad na maisabatas ang mga nasabing panukala para mabigyan ng proteksiyon ang iba’t-ibang ahensiya ng gobyerno laban sa cyberattacks. Kung saan, ang websites ng mga government agencies ang pangunahing puntirya ng mga taong nasa likod nito.

Nagpahayag din ng pangamba si Romero sa inilabas na statement ng Department of Information and Communications Technology (DICT) na bukas na ngayon o prone na ang Pilipinas sa mga cyberattacks na nangangahulugan na hindi na ligtas ang websites ng mga ahensiya ng pamahalaan.

Ayon sa kongresista, ang ibinigay na pahayag ng DICT ay pinapatunayan naman ng datos na inilabas ng National Computer Emergency Response Team matapis nitong itala ang nasa 57,400 cybersecurity threats habang umaabot naman sa 3,470 ang insidente ng cyberattacks mula 2021 hanggang 2023.

Idinagdag pa ni Romero na patuloy na mamayagpag ang mga cyberattacks hangga’t walang prevention sa pamamagitan ng mga batas na magpaparusa sa mga taong nagsasagawa ng ganitong masamang kalakaran. Kung saan, maging ang Kongreso aniya ay hindi nakaligtas sa cyberattacks.

Samantala, nagpa-abot naman ng taos pusong pasasalamat ang maraming mahihirap na mamamayan o Pilipino indigent kay Romero dahil sa ipinagkaloob nitong medical assistance partikular na sa lalawigan ng Pampanga.

Ayon kay Romero, ang pamamahagi nito ng tulong sa pamamagitan ng medical assistance ay bahagi lamang ng kaniyang tungkulin at obligasyon bilang kinatawan ng 1-PACMAN Party List. Kung saan, napakarami pa aniyang mahihirap na mamamayan ang kaniyang tutulungan sa darating na hinaharap.