Romero

Romero pinapurihan ang pagkaka-apruba ng Committee on Youth and Sports sa bill vs paggamit ng “athletic drugs”

Mar Rodriguez May 1, 2024
128 Views

PINAPURIHAN ng kilalang “sports enthusiast” na si 1-PACMAN Party List Cong. Michael “Mikee” L. Romero, Ph.D., ang naging pagkilos ng House Committee on Youth and Sports matapos nitong aprubahan ang nakasalang na panukalang batas laban sa paggamit ng “athletic drugs” sa larangan ng Sports.

Sinabi ni Romero na maituturing na makabuluhan ang pagkaka-apruba ng Committee on Youth and Sports sa nasabing panukala sapagkat ngangahulugan at tinitiyak lamang ito na tumatalima ang Pilipinas sa itinatakda ng “world anti-doping code” o ang tinatawag na “athletic drugs”.

Sa ginanap na hearing sa Kamara de Representantes, ipinabatid ni Romero na tinalakay sa nasabing hearing ang pagbabalangkas ng isang World Anti-Doping Agency (WADA)-compliant anti-doping legislation para tanggalin ang doping sa larangan ng Sports sa Pilipinas.

Ayon kay Romero, naninindigan din si WADA Chief Compliance Manager Emiliano Simonelli na tutulong sila upang matiyak na maipapatupad nila ang nilalaman ng panukalang batas para maprotektahan ang mga Pilipinong Atleta.

Sinabi naman ni Cagayan de Oro City Cong. Rufus B. Rodriguez na binibigyang diin nito ang mga panukalang batas kaugnay sa anti-doping na maituturing na isang disenyo para sa kaunlaran ng edukasyon upang matiyak na magkakaroon ng sapat na kaalaman ang mga mag-aaral tungkol dito.