Romero

Romero suportado pagbibigay ng financial aid sa PUV drivers

Mar Rodriguez Apr 15, 2024
144 Views

Romero1Romero2Romero3SINUSUPORTAHAN ng chairman ng House Committee on Poverty Alleviation na si 1-PACMAN Party List Cong. Michael “Mikee” L. Romero, Ph.D., ang naging pagkilos ng House Committee on Appropriations para mapagkalooban ng financial assistance ang Public Utility Vehicle (PUV) drivers.

Ayon kay Romero, maituturing na isang malaking ginhawa para sa mga pobreng PUV drivers ang pamamahagi ng financial aid para sa kanila. Sa gitna ng mataas na presyo ng gasolina na nagpapadagdag sa kanilang kalbaryo.

Ipinaliwanag ni Romero na maiibsan kahit papaano ang kahirapang pinagdadaanan ng mga PUV drivers dahil sa serye ng oil price increase. Kung saan, ang mga driver ng mga pampublikong sasakyan ang pangunahing naapektuhan.

Nabatid din sa kongresista na ang ipamamahaging financial assistance para sa mga PUV drivers sa buong bansa ay nakapaloob sa 2024 national budget. Habang P2.5 billion naman ang inilalaang pondo ng kamara de Representantes para sa tulong pinansiyal ng mga PUV drivers.

Sinabi ni Romero na kabilang sa mga mabibigyan ng financial assistance ay ang drivers ng tricycle, motorcycle taxis at delivery service drivers. Kung saan, ang mga PUV drivers ay makakatanggap ng P6.500 bawat isa at P1,200 naman para sa mga service o delivery riders.

Samantala, ipinamalas naman ni Romero ang kaniyang taos puso at marubdob na suporta para sa mga mag-aaral na “self-supporting” o mga working students matapos itong mamahagi ng scholarship para sa kanila.

Ayon kay Romero, kabilang sa mga nabigyan nito ng scholarship ay ang mga estudyante na nasa “Dean’s List, athletes. Student leaders ng Sangguniang Kabataan or School Councils.

“Kayang-kaya na nilang maabot ang kanilang mga pangarap. Basta may sipag, tiyaga at paniniwalang kayang-kaya nilang magtagumpay. Basta’t ang suporta natin sa kanila ay tuloy-tuloy,” sabi ni Romero.