Brownlee

Romualdez inihayag na simulan ng Kongreso naturalization ni Brownlee

Mar Rodriguez Nov 16, 2022
205 Views

INIHAYAG ni House Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez na sisimulan na ngayon ng Kamara de Representantes ang tinatawag na “Naturalization Process” ng sikat na import ng Barangay Ginebra sa Philippine Basketball Association (PBA) na si Justin Brownlee.

Sinabi ni Speaker Romualdez na ang nasabing proseso ay isang paraan para sa paggagawad ng Filipino citizenship sa isang dayuhan na nais kilalanin at buong karapatan bilang isang Pilipino.

Sinabi din ng House Speaker na sakaling maging isang ganap na Pilipino si Brownlee ay maaari na itong makasama sa Gilas Pilipinas na mapapasama at sasabak sa FIBA Basketball World Cup Asian Qualifiers sa darating na Pebrero ng susunod na taon (2023).

“Bilang isang sports fan at supporter ng mga Atletang Pinoy. Tayo ay nagagalak sa pagnanais ni Justin Brownlee na maging isang ganap na Pilipino at makasama sa Gilas Pilipinas na lalaban sa Fiba Basketball World Cup Asian Qualifier sa 2023,” sabi ni Speaker Romualdez.

Samantala, sinikap naman ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) na mapabilis ang naturalization ni Brownlee na masigasig na nakikipag-tulungan sa Gilas Pilipinas national team bago pa man nagsimula ang FIBA World Cup Asian Qualifiers na napalanunan ng Pilipinas laban sa Jordan at Saudi Arabia kamakailan.

Umaasa din ang SBP na muling makukuha ni Brownlee ang pangalawang best import award na kasalukuyang naglalaro para sa Barangay Gnebra Gin Kings sa PBA at mapabilang sa Gilas National Team bago ang inaasahang laban nito sa susunod na taon sa buwan ng Pebrero.

“The SBP made a conscious effort of fast tracking the naturalization of Brownlee. Whi has been religiously working out with GILAS Pilipinas national team prior to the start of the fifth window of our national team’s away games in the FIBA World Cup Asian Qualifiers won by the Philippines against Jordan and Saudi Arabia recently,” ayon sa SBP