Romualdez

Romualdez muling naitalaga bilang Philippine envoy sa US

195 Views

Muling naitalaga si Jose Manuel Romualdez bilang Philippine Ambassador to the United States.

Si Romualdez ay itinalaga ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa puwesto.

Siya ay nauna ng itinalaga sa kaparehong puwesto ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte noong 2017.

Bilang envoy sa US, saklaw ng hurisdiksyon ni Romualdez ang Commonwealth of Jamaica, Republic of Haiti, Republic of Trinidad and Tobago, Antigua and Barbuda, Bahamas, Barbados, Dominica, The Federation of Saint Kitts and Nevis, Saint Vincent and Grenadines at Saint Lucia.

Si Romualdez ang nasa likod ng pakikipag-usap sa Estados Unidos upang maibalik sa Pilipinas ang Balangiga bells na ginawang trophy ng mga Amerikano noong Philippine-American war.

Sa pamamagitan ni Romualdez ay nakabili ang Pilipinas ng 20 milyong dose ng COVID-19 vaccine mula sa Estados Unidos noong panahon na pahirapan ang suplay nito.