Wang Yi

Chinese Foreign Minister Wang Yi nag-courtesy call kay PBBM

166 Views

NAG-COURTESY call si Chinese Foreign Minister Wang Yi kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ngayong Hulyo 6.

Ginawa ang courtesy call sa Music Room ng Palasyo ng Malacañang.

Ayon kay Marcos pinag-usapan nila ang pagpapatatag ng relasyon ng dalawang bansa at ang pagpapa-unlad sa sektor ng agrikultura, imprastraktura, at enerhiya.

Nagpasalamat din si Marcos sa pagbati na ipinaabot sa kanya ni Chinese President Xi Jinping.

Dumating si Wang sa bansa noong Martes ng gabi ay sinalubong ng mga opisyal ng Department of Foreign Affairs (DFA).