Calendar
Romualdez: Pagkasangkot ng ilang PNP execs sa P6.7B shabu dapat imbestigahan
“Dapat masusing imbestigahan ito ng DILG dahil hindi magandang tingnan na ‘yung nanghuhuli ng droga ay masasangkot pa sa umano’y pagtatakip ng kanilang mga nahuli?
DISMAYADO si Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez sa pagkakadawit ng pangalan ng dalawang heneral at mga opisyal ng Philippine National Police (PNP) sa umano’y takipan kaugnay sa nakumpiskang P6.7 bilyong halaga ng shabu noong 2022.
“Nakakalungkot na karamihan sa mga idinadawit ay mga miyembro pa ng PNP Drug Enforcement Group (PDEG) na siyang in-charge sa paghuli ng mga iligal na droga,” ayon sa lider ng Kongreso.
“Kailangang i-reshuffle o reorganisa kaagad ang yunit na ‘yan dahil mismong mga opisyal nito ay sangkot daw sa cover-up ng nasabing drug seizure,” dagdag ni Speaker Romualdez.
Ibinunyag ni Interior Secretary Benhur Abalos ang mga pangalan ng mga opisyal at tauhan ng PNP, kabilang na ang hepe mismo ng PDEG na si Brig. Gen. Narciso Domingo.
Subalit, mariin namang itinanggi ni Gen. Domingo na may nangyaring cover-up dahil kasama raw talaga ito sa plano para mas marami pa silang mahuli, at alam daw ito ni Chief PNP Rodolfo Azurin.
Maganda ring marinig natin ang paliwanag ni Gen. Azurin,” ani ng mambabatas mula Leyte.