PBBM Sinusuri ni President Ferdinand “Bongbong” R. Marcos Jr., Speaker Martin G. Romualdez (left), Palayan City Mayor Viandrei Nicole “Vianne” J. Cuevas (right), Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) Sec. Jose Rizalino Acuzar (2nd right) at Sen. JV Ejercito (partly hidden) ang housing project sa naganap na groundbreaking ceremony ngPambansang Pabahay Para sa Pilipino at Barangay Atate sa Palayan City, Nueva Ecija, Miyerkules ng umaga. Kuha ni VER NOVENO

Romualdez pinapurihan Pambansang Pabahay housing program ni PBBM sa Nueva Ecija

Mar Rodriguez Dec 21, 2022
221 Views

PINAPURIHAN ni House Speaker Ferdinand Martin Gomez Romualdez ang ginanap na “ground breaking ceremony” na pinangunahan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. para sa itatayong 11,000 Pambansang Pabahay housing program sa Nueva Ecija.

Ikinakagalak ni Speaker Romualdez ang ginanap na inagurasyon sa pangunguna ni Pangulong Marcos, Jr. para sa 11,000 housing units sa ilalim ng tinatawag na “flagship program” na Pambansang Pabahay para sa Pilipino Program sa Barangay Atate sa Palayan City, Nueva Ecija.

Sinabi ni Romualdez na ginanap ang nasabing “ground breaking ceremony” sa Pag-ibig housing site sa Barangay Atate na dinaluhan ng Pangulo. Kung saan ito’y pamaskong handog ni Pangulong Marcos, Jr. at ng Human Settlements and Urban Development (HDHSUD).

“Building six million housing is the target of President Marcos, Jr., I am very confident we can achieve this through our unity in purpose and the cooperation of all stakeholders in the program,” ayon kay Speaker Romualdez.

Pinaplano ng Marcos administration na makapag-patayo ng isang milyong bahay kada taon para sa mga mahihirap na Pilipino sa ilalim ng Pambansang Pabahay para sa Pilipino Program.

“Six million houses may be just another target to accomplish. But imagine giving six million families houses they can call their own. that is not only addressing the housing backlog, it also realizing the dreams of millions of Filipinos who yearn for a house they can call their own,” dagdag pa ng House Speaker