Martin Romualdez

Romualdez pormal ng inendorso ng Lakas-CMD

272 Views

PORMAL ng inendorso ng Lakas Christian Muslim Democrats (Lakas-CMD) si House Majority Leader at Leyte 1st District Rep. Martin G. Romualdez sa pagka-Speaker sa 19th Congress.

Inilabas ng Lakas-CMD ang Resolution No. 05, Series of 2022 na pinatibay ng Executive committee ng partido sa pangunguna ni presumptive Vice President Sara Duterte at Sen. Ramon Revilla Jr.

“In order to be an effective partner in passing much needed legislation, the House of Representatives must be under the leadership of a strong leader. Lakas-CMD believes that its President, Ferdinand Martin G. Romualdez, can lead the House of Representatives into being an effective partner of the incoming (Marcos) administration,” nakasaad sa resolusyon.

Nauna rito ay nagpahayag ng suporta si dating Pangulo at comebacking Pampanga Rep. Gloria Macapagal Arroyo sa pagka-Speaker ni Romualdez at hinimok ang mga kapartido nito na sumunod sa kanya.

Si Arroyo ang president emeritus ng Lakas-CMD.

Sumuporta na kay Romualdez ang mayorya ng mga uupong kongresista sa 19th Congress na mula sa mga partidong PDP-Laban, National Unity Party, Nacionalista Party, Liberal Party, Party-list Coalition Foundation, Inc., Hugpong ng Pagbabago, Partido Federal ng Pilipinas, at Nationalist People’s Coalition. Mayroon ding mga independent at neophyte solon na nagpahayag ng suporta kay Romualdez.