Martin File photo nang iprinomote ng Philippine Coast Guard (PCG) si Rep. Martin Romualdez sa ilalim ng PCG Auxiliary (PCGA) Executive Squadron sa Maynila noong ika-6 ng Marso 2025. Si Romualdez, na Speaker ng ika-19 Kongreso nang maganap ang promotion, ay binigyan ng ranggong ‘Vice Admiral.’

Romualdez sa 9th taon ng PH Arbitral Victory: WPS pag-aari ng sambayanang Pilipino

417 Views

NANAWAGAN si reelected Leyte 1st District Rep. Ferdinand Martin G. Romualdez sa sambayanang Pilipino na magkaisa sa pagtatanggol sa pambansang soberanya at manatiling tapat sa pagiging Pilipino—sa salita, sa gawa at sa tungkulin—kasabay ng paggunita noong Sabado ng ika-9 na anibersaryo ng makasaysayang 2016 Arbitral Award hinggil sa South China Sea.

Ayon kay Romualdez, ang Speaker ng katatapos na 19th Congress, ang nasabing desisyon ay isang makasaysayang pagpapatibay sa lehitimong karapatan ng Pilipinas sa West Philippine Sea (WPS)—isang tagumpay hindi lamang para sa sambayanang Pilipino, kundi para rin sa prinsipyo ng paghahari ng batas sa pandaigdigang komunidad.

“The Arbitral Award reaffirms what we’ve always known in our hearts—the West Philippine Sea belongs to the Filipino people. Not because we are the strongest, but because it is rightfully ours under international law,” ayon kay Romualdez, isang abogado mula sa University of the Philippines at kasalukuyang Pangulo ng Philippine Constitution Association (Philconsa).

“This was a victory of principle over power, of law over intimidation. And it reminds us of what we can achieve when we stand as one people, bound by patriotism and a deep love for country,” dagdag pa ng kongresista.

Inilabas ang desisyon noong Hulyo 12, 2016, ng Permanent Court of Arbitration sa The Hague. Sa desisyong ito, ibinasura ang nine-dash line claim ng China at kinatigan ang karapatan ng Pilipinas ayon sa United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS), na siyang itinuturing nitong mahalagang batayan ng pandaigdigang kaayusang nakabatay sa batas.

Binigyang-diin ni Romualdez na ang Arbitral Award ay hindi lang isang kasunduan sa diplomasiya kundi patunay ng tibay ng loob ng mga Pilipino at ng karapatan ng bansa sa sariling karagatan.

“Nine years on, the ruling remains final and binding. It is now a cornerstone of our foreign policy, a source of strength for our people, and a moral compass for nations that seek justice through peaceful means,” ani Romualdez.

Pinuri rin niya si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., kasama ang Department of Foreign Affairs at Department of National Defense, sa kanilang matatag na paninindigan sa arbitral decision at sa masigasig na pagtataguyod ng mga alyansa sa mga bansang nagpapahalaga sa paggalang sa international law.

Nagbabala rin si Romualdez laban sa mga disinformation campaign na layuning pahinain o baluktutin ang kahalagahan ng desisyon, at iginiit na kailangang maging mapagmatyag ang mga Pilipino.

“This is not just about maritime boundaries. It’s about our dignity, our future, and our duty to the next generation. The rule of law is our shield, but unity is our sword,” ayon sa mambabatas.

Hinimok din ni Romualdez ang lahat ng Pilipino—sa pamahalaan man o karaniwang mamamayan—na panatilihing buhay ang diwa ng Arbitral Award sa pamamagitan ng paninindigan sa prinsipyo at katapatan sa adhikain ng bansa.

“The West Philippine Sea is ours. And as long as we stand as one—brave, just, and proudly Filipino—we will always stand on the side of what is right,” diin pa ni Romualdez. “Let us live our nationhood—not just today, but every day—in word, in deed, and in duty.”