Calendar
Romualdez umaapela sa mga Filipino-Chinese businessmen na tulungang mabigyan ng trabaho mga Pinoy
UMAAPELA ngayon ni House Speaker Ferdinand Martin Gomez Romualdez ang mga Filipino-Chinese businessmen na tulungan ang pamahalaan at ang Kamara de Representantes na makapagbigay marami ng trabaho para sa mga Pilipino upang hindi na sila mapilitan pang mangibang bansa.
Ito ang naging pahayag ni Speaker Romualdez sa harap ng mga miyembro ng Filipino Chinese Chambers of Commerce and Industry sa kanilang 33rd Biennial Convention na ginanap sa Manila Hotel.
Sinabi ng House Speaker sa kaniyang talumpati na sinisikap ng Mababang Kapulunagn ng Kongreso na makapagpasa ng mga panukalang batas na magpapabuti sa negosyo at tinatawag na “investment climate” sa Pilipinas.
Ipinaliwanag ni Romualdez na umaasa ang gobyerno at Kongreso sa suporta ng Filipino-Chinese businessmen para lalo pang pasiglahin ang ekonomiya ng Pilipinas sa layuning makapagbigay ng maraming trabaho para sa mga mamamayan para hindi na sila mapilitan pang magtrabaho sa ibang bansa.
“We hope we can count on the support of the federation in our efforts to open up the Philippine economy and create more jobs here. So that there would be fewer and fewer of our countrymen who will grow up without their father of mother,” sabi ng House Speaker sa kaniyang mensahe.
Aminado si Romualdez na napakalaking epekto ang idinulot ng COVID-19 pandemic sa larangan ng negosyo. Kung kaya’t ang kauna-unahang panukalang batas na inihain sa Kamara de Representantes sa ilalim ng 19th Congress ay ang pagbibigay ng ayuda at tulong para sa mga apektadong negosyo.
Ang tinutukoy ni Speaker Romualdez ay ang House Bill No. 1 o ang Government Financial Unified Initiatives to Distressed Enterprises for Economic Recovery (GUIDE) na pumasa na sa third and final reading sa Mababang Kapulungan at kasalukuyang pinadala na sa Senado.
“We are also pushing for the creation of the Maharlika Investment Fund (MIF). In the House version transmitted to the Senate, businesses can invest in the MIF along with government in viable instruments with guaranteed dividends and part of the profits plowed back to strategic government projects,” dagdag pa ni Speaker Romualdez.