Calendar
Russian players nagpakitang gilas sa Tagaytay
TAGAYTAY — Sa chess, hindi nagpa-awat sina defending champion GM Aleksey Grebnev at WIM Anna Shukhmann ng Russia.
Naghari si Grebnev sa boys division, habang nadomina ni Shukhmann ang girls category ng 2024 Asian Juniors Rapid Chess Championships sa Knights Templar Hotel kamakailan.
Si Grebnev, na itinuturing na isa sa mga pangunahing junior players sa buong mundo, ay nagtala ng seven points matapos ang six wins, two draws at one loss upang masungkit ang titulo ng rapid tournament ng week-long competition na itinataguyod ng Asian Chess Federation (ACF) sa pakikipagtulungan ng Tagaytay City government, sa pamamagitan ni Mayor Abraham “Bambol” Tolentino at Philippine Sports Commission (PSC).
Wala ding nakapigil kay Shukhman, ang highest-rated player sa girls division na may ELO rating na 2193, upang magtala ng eight points sa 22-player event, na ginaganap sa popular resort city sa Cavite Province na kilala din sa magagandang tanawin at malamig na weather.
Sina Grebnev, na umaasa ding maidedepensa ang titulo sa standrad division na kanyang napanalunan sa Jamshedpur, India last year, at Shukhman, na maaalala sa kanyang panalo sa 18-under category ng 26th Asian Youth Chess Championshipssa Almaty, Kazakhstan last June, ay kapwa naglalaro sa ilalim ng FIDE flag.
Samantala, maganda din ang naging paglalaro ng apat na pangunahing representatives ng Pilipinas, na sina FM Christian Gian Karlo Arca, IM Michael Concio, GM Daniel Quizon and Yuri Paraguya.
Sina Arca at Concio ay kapwa nagtapos na may 5.5 points sa tulong ng five wins, one draw at three losses.
Si Quizon, na nakakuha ng kanyang GM title sa nakalipas na 45th World Chess Olympiad sa Budapest, Hungary, at Paraguya ay may five points.
May four wins, two draws at three losses si Quizon, habang five wins at four losses si Paraguya.
May pag-asa sana sina Arca and Quizon ng mas mataas na pwesto, subalit nabigo sila sa kanilang ninth at final round assignments laban kina IM S. Aswath of India at CM Yash Bharadia of India, ayon sa pagkasunod.
Gayundin, lumabanng husto sina Phil Martin Casiguran, David Sean Romualdez, Andrew James Toledo at Danry Seth Romualdez para sa kanilag four points.
Si Marius Constante ay may 3.5 points naman.
Hindi din matatawaran ng mga laro ng mga Pinay chessers.
Nagpasiklab sina World Age Group Championship-bound WFM Jemaicah Yap Mendoza at Elle Castronuevo upang tumabla sa sixth hanggang 12th places na may five points.
Si Mendoza, na No. 15 seed sa ELO na 1717, ay bumawi mula sa kabiguan sa first round upang tanghaling highest-placed Filipina player sa kanyang five wins at four losses.
Samantala, ang No. 21 seed na si Castronuevo (ELO of1499) ay nagwagi s akanyang huling tatlong laro upang umakyat ng pwesto tangan ang record na five wins at four losses.
Sina Apple Rubin at Arleah Cassandra Sapuan ay kapwa may four points sa 22-player, 11-nation tournamentm na pinamamahalaan nina tournament direcgtor Michael Lapitan, chief arbiter IA Patrick Lee at deputy chief arbiter Ricky Navalta.
Magsisimula naman ang aksyon sa standard competition ng Asian juniors, na kung saan anim na Filipino players pa lamang ang nagwawagi.
Ang two-time champion na si GM Rogelio Barcenilla, Jr. ay nagwagi nung 1989 sa Dubai, UAE at 1991 sa Kozhikode, India.
Ang iba pang mga naging Filipino Asian juniors champions ay sina Domingo Ramos (1980, Baguio), Ricardo de Guzman (1981, Dhaka), Marlo Micayabas ( 1982, Baguio), Enrico Sevillano ( 1986, Manila), at Nelson Mariano (1994, Shah Alam)
Matapos si Mariano, wala nang iba pang Filipino player ang nagwagi sa Asian Juniors, na kung saan nasungkit ng India ang 17 sa sunmunod na 25 editions mula 1995 hanggang 2022.
Ang Asian Juniors ay unang itinguyod ng Pilipinas sa Bago nung 1977, na kung saan si Murray Chandler ang tinanghal na inaugural champion.
Final standings:
Boys
7 points — A. Grebnev (Russia)
6.5 — S. Aswath (India), A. Adireddy (India), K. D. Dau (Vietnam).
6 — A. Uskov (Russia), Y.Bharadia (India).
5.5 — M. Amilal (Mongolia), K. Rohith (Mongolia), C. Arca (Philippines), M. Concio (Philippines)
5 — D. Quizon (Philippines), Y. Paraguya (Philippines), A. Manish (India).
Girls
8 points — A. Shukhman (Russia)
7 — D. Gunawardhana (Sri Lanka)
6 — G. Shubhi (India), Z. Sultanbek (Kazakhstan)
5.5 — M. Bristy (India)
5 — G. Tejaswini (India), H. T. Luong (Vietnam), K. Popandopulo (Kazakhstan), H. Sneha (India), J. Mendoza (Philippines), D. Khairmode (India), E. Castronuevo (Philippines).