Calendar
Ryza nagbenta ng toy gun kay Boss Toyo
Ibinenta ni Ryza Cenon kay Boss Toyo ang Nerf toy gun na ginamit niya sa hit 2017 GMA-7 series na “Ika-6 na Utos.”
Matatandaang naging viral ang isang eksena sa naturang afternoon series kung saan ay tinutukan ng Nerf gun ng karakter ni Ryza na si Georgia ang karakter naman ni Sunshine Dizon na si Emma.
Sa sobrang hit ng eksenang ito ay nagkaroon pa ito ng iba’t ibang memes.
Sa latest vlog ng “Pinoy Pawnster” ay mapapanood ang pagbebenta ni Ryza ng toy gun kay Boss Toyo.
Naalagaan naman ni Ryza ang toy gun at mukhang bago pa’t nakalagay sa isang acrylic case.
Ayon sa aktres, first time niyang magbenta ng memorabilia kaya hindi niya alam kung magkano ang ipe-presyo niya.
Sa huli ay nagkasundo sila sa presyong P10,000. Pinirmahan pa muna ni Ryza ang laruan.
Ayon kay Ryza, nag-enjoy siya sa experience niya sa pagbebenta kay Boss Toyo and who knows, baka may makita pa siyang memorabilia sa bahay niya na pwedeng ibenta pa.