Pic (Opisyal na larawan mula sa DND)

Sa pagkakaisa ng nakatatanda, kabataan, may pag-asa — Teodoro

20 Views

Ni Ylaysha Musngi Gosiaco

Diyalogong pag-uusap mula sa iba’t-ibang henerasyon para sa pambansang seguridad kasama si Punong Kalihim ng Depensa Gilberto C. Teodoro, Jr. — DROP HEAD

NGAYONG taon, ginugunita natin ang ika-80 anibersaryo ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Ang kabayanihan ay hindi lamang bahagi ng kasaysayan—dapat itong muling buhayin sa puso ng kasalukuyang henerasyon. Habang tumataas ang tensyon sa buong mundo, ang pag-alala sa nakaraan ay susi sa kaligtasan.

Ang aking lola, ang yumaong 1st Lt./Dr. Mercedes Cuello Lazaro Musngi—na mas kilala sa amin bilang “Mommy Ched”—ay isang mandirigmang medikong gerilya noong WWII. Siya at ang hindi mabilang na mga bayani na hindi nabigyan ng sapat na pagkilala ay nag-alay ng lahat para sa ating kalayaan. Habang tinitingnan ko ang aking henerasyon, naiisip ko: May dala pa ba kaming apoy ng kabayanihan, lalo na kung, hindi nawa ipahintulot ng DIYOS, kami’y muling humarap sa isang pandaigdigang digmaan?

Nagkaroon ako ng pribilehiyo na makausap si Defense Secretary Gilberto C. Teodoro, Jr. sa isang eksklusibong panayam kasama ang The Mind Warriors KALASAG – isang nonprofit (na organisasyon) para sa edukasyong pangkalusugan ng isip na may kaalaman sa trauma.

Ang panayam na ito ay isinagawa upang ang ating nakababatang henerasyon ay matuto ng mga ginintuan (or… mahahalaga) at walang hanggang aral mula sa nakatatandang henerasyon, gaya ng ipinakita ng iyong Lola at ng ating mga beterano sa WWI.

Hawak ang lumang larawan ng aking lola sa aking kamay, naramdaman ko ang bigat ng dalawang kasaysayan at isang hinaharap na nagpapabigat sa amin—dalawang henerasyon na patuloy na humaharap sa parehong hindi pa nalulutas na mga laban ng nakaraan.

Pic11. Mahahalagang Aral ng Kasaysayan: Pag-unawa sa Kanilang Sakripisyo

“Dahil sa mga bayani at mandirigma ng WWII katulad ng aking lola, anong mahahalagang aral ng kasaysayan ang kailangang maisapuso ng mga kabataan ngayon?”

Walang paligoy-ligoy sinagot ni Ginoong Gibo ang katotohanan:

“Ang digmaan—panloob man o panlabas—ay hindi kailanman tuluyang nawawala; ito ay nag-iiba lamang ng anyo. Gaano man natin gustong maiwasan ang digmaan, isa itong reyalidad na nangyayari. Patuloy na lumalawak ang mga ugat na pinagmumulan ng kaguluhan o tunggalian. Ang ating mga beterano ng WWII, katulad ng iyong lola, ay lumaban para sa isang malayang Pilipinas upang magkaroon ng kinabukasan ang iyong henerasyon. Ngunit bakit nila ginawa iyon? At dapat mong maunawaan ang kanilang dahilan. Ang laban ay nagpapatuloy pa rin sa ngayon—ito ay hindi laban sa isang mananakop, kundi ito ay laban sa banta sa ating eksklusibong economic zone o sonang pang-ekonomiya. Ang ating paraan ng pamumuhay (pangkabuhayan), pati na rin ang kabuhayan ng ibang bansa, ay nasa panganib o piligro dahil sa ginagawa ng Tsina na baguhin ang umiiral na pandaigdigang batas kaayusan tungo sa isang batas na nakatuon o nakasentro lamang ayon sa kapakanan ng bansang Tsina. Hindi permanente ang kapayapaan; ito ay dapat protektahan, palakasin, at ipaglaban nang may matinding pagbabantay laban sa anumang agresyon (o magkaalit na pag-uugali) na maaaring humantong sa digmaan.”

Pic2Ang laban para sa kalayaan ay hindi natapos noong 1945. Hanggang ngayon, dala natin ang apoy na iniwan ng ating mga bayani. Sabi nga ni Kalihim Gilberto Teodoro Jr., ang kapayapaan ay hindi basta dumarating—ito ay pinoprotektahan at ipinaglalaban. Sa gitna ng mga bagong banta gaya ng pananakop sa ekonomiya, pag-atake sa ating pagkakakilanlan, at ideolohikal na panlilinlang, hindi pwedeng manahimik ang kabataan. Tayo ang bagong henerasyong tagapagtanggol ng bayan—hindi lamang sa larangan ng armas, kundi sa larangan ng kaalaman, pagkakaisa, at paninindigan. Sa bawat Pilipinong nagtatrabaho, nag-aaral, o naglilingkod—nasa atin ang diwang palaban at mapagmalasakit. Sa kabayanihan bawat araw, sa disiplina at malasakit, doon nagsisimula ang tunay na lakas ng bayan.

Pic3Sa unang bahagi ng panayam, ating binalikan ang kabayanihan ng mga beterano ng WWII—partikular na ang aking lola na si 1st Lt./Dr. Mercedes “Mommy Ched” Cuello Musngi—at ang mahahalagang aral ng kasaysayan na dapat maisapuso ng bawat kabataan ngayon. Sa pagpapatuloy ng aming pag-uusap kasama si Defense Secretary Gilberto C. Teodoro, Jr., tinalakay namin ang kasalukuyang mga banta sa seguridad ng bansa, ang papel ng mandatoryong serbisyo sa bayan, at ang panawagan para sa pambansang katatagan mula sa bagong henerasyon.

3. Katatagan ng Kabataan at Paghahanda sa mga Hinaharap na Banta

“Ang aking lola at maraming beterano ay nagdusa at dumanas ng trauma dahil sa giyera–tahimik na mga laban ng trauma pagkatapos ng WWII. Paano tayo magiging handa—pisikal, emosyonal, at sikolohikal—para sa posibleng mga hamon tulad ng WWIII?”

Nagpahayag ng kanyang matinding pananaw si Ginoong Gilbert Teodoro:

“Matinding pagdurusa ang dinanas ng mga nakaligtas sa digmaan at sakuna. Noon, ang iyong lola ay walang mga mapagkukunan ng kaalaman patungkol sa mental health, ngunit ang kanyang pananampalataya, tungkulin, at kakayahan ng iyong lola sa pangangalaga ng kanyang isip ang nagpanatili sa kanya. Iyan ang tunay na katatagan. Bilang isang magulang, nakita ko ang mga hamon ng kabataan ngayon—tumataas ang bilang ng nagpapakamatay, at mahirap makamit ang de-kalidad na edukasyon. Dapat nating tanggapin ang mga katotohanang ito, dapat buksan at talakayin ang mga usaping ito sa ating panahon ngayon.”

Pinagtibay niya ang kahalagahan ng isang bukas at malayang komunikasyon:

“Ang kalayaan sa pagpapahayag ay nagbibigay ng katiyakan ng katotohanan at kahusayan. Kapag nawala ang ating tinig sa bansa, pinipigil nito ang katotohanan, at ang pag-unlad ng bansa ay idinidikta na lamang ng makapangyarihan. Sa sandaling balewalain at hindi natin pahalagahan ang ating Kalayaan, mawawala ito sa atin. Hindi tayo papayag na hindi maging handa sa pisikal, sa pangkaisipan, maging sa emosyon, at pang ekonomiya.”

4. Mensahe sa Kabataang Pilipino

Ano po ang inyong mensahe sa aming henerasyon patungkol sa ating responsibilidad sa pagtatanggol sa bayan—sa panahon ng kapayapaan at digmaan?

Apat na mahalagang alintutunin ani ni Ginoong Gilbert Teodoro:

“Dapat ay may tiyaga, kamalayan, at pokus. Nasa panahon tayo ng pakikibaka at nangangailangan ng walang humpay na pagsusumikap para sa kahusayan—kung wala tayo nito, mapag-iiwanan at mahuhuli ang ating bansa. Ang tiyaga at pokus ang nagtutulak sa pag-unlad. Ang kamalayan ang nagpapalakas ng ating pambansang kahandaan.”

Pic4Konklusyon: Ang Laban Ngayon—Tayo Ba’y Babangon?

Ang mga pananaw ni Sir Gibo ay nagpapakita ng pangangailangan para sa isang proaktibo at may alam na henerasyon. Tinutukoy natin ang mga laban na kasing delikado ng WWII—cyber warfare, disinformation, at ideolohikal na pagsalakay. Pinalalala ito ng isang trahedyang amnesia/pagkalimot ng kasaysayan ang krisis na ito, ang nagpapahina sa ating determinasyon at pambansang identidad o kasarinlan.

Ang tunay na pambansang katatagan ay nangangailangan ng pisikal, mental, at sikolohikal na paghahanda. Ang kaalaman at karunungan sa kasaysayan ng bansa ay nagpapatatag at nagbibigay tibay sa atin upang harapin ang ating bukas.

Hindi nagtapos ang laban para sa ating kaligtasan noong 1945; nagpapatuloy ito hanggang ngayon. Walumpung taon ng kasaysayan ang humahabi sa tela ng kwento ng ating bansa, isang gahiblang sinulid ang nagbabantang magpapa-bagsak sa atin. Hindi lamang tayo tinatakot ng mga banyagang mananakop, kundi pati na rin ng ating sariling kawalan ng malasakit, kamangmangan, pagkakawatak-watak, at ang paghina ng ating pakiramdam sa ating sariling tungkulin.

Ang tanong ay hindi kung darating ang digmaan o mga hamon. Darating ito. Ang tunay na tanong ay: Handa ba tayo?”

Pic5Maraming salamat, Sir Gibo, sa pakikinig sa tinig ng kabataan. Ang ating mga ninuno ay lumaban para sa ating kaligtasan. Ngayon, tayo naman ang lalaban para sa ating bayan. Tanging sa pagkakaisa ng nakatatanda at nakababatang henerasyon at sa pag-aaral mula sa karunungan ng nakaraan at ng kasalukuyan —maaari tayong bumuo ng matatag at di-mapipigilang lakas laban sa ating panloob at panlabas na laban.

Ang kasaysayan ay isang ilaw. Kapag inunawa natin ang mga sakripisyo ng mga nauna, mas magiging matibay ang ating paninindigan. Ang kabayanihan ng ating mga ninuno ay dapat tumbasan ng kabayanihan sa pag-iisip, sa salita, at sa gawa. Hindi sapat na maalala lamang sila tuwing anibersaryo—kailangan natin silang tularan.

Ang tunay na lakas ng bayan ay hindi lang nakasalalay sa armas kundi sa matatag na isipan, malasakit sa kapwa, at pagkakaisa na may layunin. Sabi nga ni Secretary Gibo, ang tiyaga, kamalayan, pokus, at kahusayan ang magiging sandata ng bagong henerasyon. Kung ang mga ninuno natin ay lumaban gamit ang dugo at buhay, tungkulin nating makipaglaban ngayon gamit ang tapang, talino, at dangal. Sa gitna ng mga pagsubok, bawat Pilipino—estudyante, manggagawa, magulang, sundalo—ay may papel sa pagtatanggol ng ating kinabukasan. Huwag tayong matulog sa gitna ng digmaang hindi lang baril ang gamit, kundi kasinungalingan, pagkakawatak-watak, at paglimot. Tayo ang bagong tagapangalaga ng bayan. Ngayon, tayo naman ang lalaban—hindi lang para sa ating sarili kundi para sa bayan. Sa pagkakaisa ng nakatatanda at ng kabataan, may pag-asa tayong harapin ang bagong anyo ng digmaan.