Calendar
Salamat sa pag-apruba sa panukalang batas para sa mga OFWs–ex-party list rep sa mga senador
NATUWA si dating OFW Party List Rep. Marissa Magsino sa pag-apruba ng Senado sa Senate Bill No. 1910 na inakda ni Sen. Jinggoy Estrada.
Ayon kay Magsino, malaking tulong para sa mga Overseas Filipino Workers (OFWs) ang panukala sapagkat napakaraming Filipino migrant workers ang matutulungan na makapag-aral ng pagnenegosyo.
Sinabi ni Magsino na sa pamamagitan ng inisyatibong ito, matutulungan ang mga OFWs kung papaano makakapagsimula ng negosyo para hindi masayang ang perang pinaghirapan sa abroad.
Ang perang kinikita ng mga OFWs sa pagtatrabaho sa ibang bansa ay galing sa kanilang dugo at pawis habang ang pagiging isang Migrant worker ay itinuturing na “buwis buhay,” ayon sa dating pulitiko.
Ipinaliwanag pa ni Magsino na napakahalaga din na mapangalagaan ang perang matagal na pinaghirapan ng mga OFWs sa pamamagitan ng pagpapalago dito sa tulong ng papasukin nilang negosyo.
Sa pamamagitan ng libreng edukasyon, matutulungan ang napakaraming OFWs kung papaano maiingatan ang pinaghirapang pera at magabayan sa pagpapalago ng itatayo nilang negosyo.
Nagpapasalamat si Magsino sa mga senador sa suporta para sa kapakanan ng mga OFWs sa pamamagitan ng mga isinusulong na panukalang batas para sa mga Pinoy migrant workers.
Naging guest of honor kamakailan si Magsino sa 70th Philippine Management Association of the Philippines (PMAP) general membership meeting sa Fairmont Hotel.

