Sara

Samal-Davao bridge tugon sa matagal ng pangarap—VP Sara

192 Views

Ang pagtatayo ng Samal Island-Davao City Connector (SIDC) Project ay tugon umano sa pangarap ng maraming residente sa lugar, ayon kay Vice President Sara Duterte.

Pinasalamatan ni Duterte ang administrasyon ng kanyang ama na siyang nag-umpisa ng proyekto at ang Marcos administration na nagpatuloy nito.

“We would like to thank the administration of President Rodrigo Duterte and Sec. Mark Villar for the initial stages and preparation for Samal Island-Davao City Connector, and we would like to thank the admin of President Bongbong Marcos Jr. for the support and the continuity of the project for Davao City and Island Garden City of Samal,” sabi ng Bise Presidente.

Dumalo si Duterte at Pangulong Marcos sa groundbreaking ceremony ng proyekto na nagkakahalaga ng P23 bilyon.

“It’s very important because it will be a showcase of two administrations, two Presidents. This bridge has been a topic of discussion since the 1960s when my grandfather was still governor of the undivided Davao Region. It’s very important politically, economically and, of course, socially here in Davao Region,” sabi pa ng Ikalawang Pangulo.

Ang SIDC Project ay may habang 3.98 kilometro at magdurugtong sa Samal Circumferential Road sa Barangay Limao sa R. Castillo — Daang Maharlika road sa Davao City.

Mula sa 30 minutong biyahe ng bangka, kapag natapos ang tulay ay tatagal na lamang ang pagtawid ng 4.5 minuto. Inaasahang matatapos ito sa 2027.

Ang pondo na gugugulin sa proyekto ay uutangin sa Chinese government. Ang tulay ay itatayo ng China Road and Bridge Corporation.