sambo Tancontian

Sambo gold asam ni Tancontian

304 Views

TATANGKAING bumalibag ng gintong medalya ni five-time World Sambo bronze medalist at 31st Southeast Asian Games silver medalist Sydney Sy Tancontian sa darating na 2022 Asian Sambo Championships simula Hunyo 1-5 sa Jouneih, Lebanon.

Matapos ang matagumpay na kampanya sa women’s +87kgs Kurash event sa Hanoi meet, muling magbabalik ang numero-unong Pinay Samboist na si Tancontian upang kunin ang gintong medalya sa women’s +80kgs Sambo sport sa Asian meet, kung saan nagwagi siya ng titulo nung 2019 Asian juniors edisyon sa New Delhi, India

Makakasama ng 22-anyos na Davao-native combat sport artist si dating 2008 Beijing Wushu Tournament Sanda bronze medalist at 2019 SEA Games team third placer Mariane Mariano na makikipagbuntalan sa women’s combat sambo under-59kgs.

Tiwala si Pilipinas Sambo Federation Inc. (PSF) President Paolo Tancontian na malaki ang tsansang makapag-uwi ng medalya ang dalawang lady samboist lalo pang mataas ang kumpiyansya at moral na nakuha ni Sydney sa biennial meet at trainings abroad, habang todo naman sa ensayo si Mariano upang makuha ang inaasam na kondisyon at lakas na kinakailangan.

“This is a high-level tournament na mostly mahuhusay ang mga ipinapadala ng mga Asian countries. But I’m hopeful and confident na maganda ang ipinakitang conditioning ni Sydney lalo na sa ipinakita niya sa SEA Games, while Mariane is a a veteran fighter and she know how to win. malaki ang tsansa natin mag-medal dahil nakapaghanda naman tayo,” pahayag ni Tancontian, na inaasahang magiging mabigat na kalaban ang Uzbekistan, Tajikistan, Kazakhstan, Kyrgyzstan, Turkmenistan at iba pang mga European countries.

Napagwagian 2020 UAAP Judo Rookie of the Year ang kanyang unang bronze medal sa World Sambo Championships noong 2018 na ginanap sa Bucharest, Romania, habang sinundan ito ng isa pang bronze medal sa 2019 Sambo World Cup Kharlapiev Memorial Competition sa Moscow, Russia.

Nanaig rin ito ng medalya sa 2019 World Youth and Juniors Sambo Championships sa Tashkent, Uzbekistan, World Sambo Championships sa Seoul, South Korea at ang pinakahuli ay sa 2020 World Championship sa Novi Sad, Serbia.

Ang multi-titlist na si Sy ay ang kauna-unahan ring atleta mula sa Timog-Silangang Asya na magwagi ng medalya sa World Championship at maging miyembro ng International Sambo Athletes

Commission, samantalang nanalo na rin ito ng medalya sa 2017 Kuala Lumpur SEAG sa judo competition at 2019 SEAG sa Kurash event.

Naging malaking bahagi ng suporta ng Sambo national team ang suportang nakuha mula sa Philippine Sports Commission (PSC) at Cebu Pacific Airlines.