negros Nakopo ng NOFA ang korona sa PFF Under-19 Boys National Championship First Division Sabado ng gabi. PFF photo

Negros naka-ungos sa NCR sa extra time

Theodore Jurado Jun 6, 2022
215 Views

NAUNGUSAN ng Negros Occidental FA ang National Capital Region FA, 1-0, sa extra time upang makuha ang kampeonato sa PFF Under-19 Boys National Championship First Division sa PFF National Training Center sa Carmona, Cavite kamakailan.

Umiskor si substitute Kyle Alipoon ng late winner para sa NOFA sa 118th minute ng championship match na umabot sa extra-time makaraan ang goaless 90 minutes.

Sa battle for third place, umiskor si Selwyn Mamon ng third minute header upang makuha ng Iloilo FA ang 1-0 tagumpay laban sa SOCSARGEN RFA.

Nahirapan ang dalawang koponan na makakuha ng goal sa unang 90 minuto, at tila papunta na ito sa penalty shootout, nang kinamada ni Alipoon ang header na siyang nagpanalo para sa NOFA.

Tinanghal si NOFA’s Rohderick Rodriguez na tournament’s Most Valuable Player, habang nagsosyo sina NCRFA’s John Jalique at Iloilo FA’s Selwyn Mamon sa top goalscorer award na may tig-anim goals.

Nakamit nina NOFA’s John Marcellana at Francis Madamecilla ang best goalkeeper at best midfielder honors, ayon sa pagkakasunod, habang si NCRFA’s Haren De Grace ang best defender.