PCAP

San Juan, Cavite, Pasig chessers mainit

Ed Andaya Apr 23, 2024
225 Views

LUCKY 13 para sa two-time champion San Juan Predators.

Sa pangunguna nina GM Rogelio Barcenilla, Jr. at Karl Victor Ochoa, pinadapa ng San Juan ang Arriba Iriga, 19.5-1.5, at Camarines Eagles, 12-9, sa pagpapatuloy ng 2024 PCAP All-Filipino Conference chess team championships kamakailan.

Dinurog ni Barcenilla si Epifanio Bueno, 3-0, at giniba ni Ochoa si Rey Mark Sagario, 3-0, sa first two boards ng panalo ng San Juan laban sa Iriga.

Namayani din sina Mikee Suede, IM Ricardo de Guzman, Narquinden Reyes at Narciso Gumila sa kanilang mga katunggali para sa San Juan, na nagtala ng kanilang ika 13th win sa 14 laro sa 18-team, two-division tournament na itinataguyod ng San Miguel Corporation, Ayala Land at PCWorx.

Wagi din si Ochoa laban kina Giovanni Mejia at Ellan Asuela, 3-0, at Suede kontra kay Virgenie Ruaya, 3-0, para sa panalo naman ng San Juan kontra sa Camarines.

Nagtabla sina GM Barcenilla at GM Darwin Laylo ng Camarines, 1.5-15, sa board one, at naungusan ni De Guzman si IM Barlo Nadera, 2-1, sa board four.

Tanging si Ronald Llavanes ang nanalo para sa Camarines matapos talunin si Gumila sa board seven.

Hindi naman nagpahuli ang Cavite Spartans, na nanalo din laban sa Camarines, 14-7, at Negros Kingsmen, 17-4; at defending champion Pasig Pirates, na nagwagi laban sa Surigao Fianchetto Checkmates, 18.5-2.5, at Arriba Iriga, 21-0, para tumatag sa second at third place sa kanilang 12-2 win-loss records.

Namuno sina Alexis Maribao, Ruth Carreon at GM Rogelio Antonio, Jr. sa panalo ng Spartans laban sa Eagles, habang sina Kevin Arquero, Edgardo Garma at Antonio ang top scorers ng Spartans laban sa Kingsmen.

Sumandal naman ang Pasig kina Nelson Mariano, na nanaig laban kay Joel Hicap; Sherily Cua, na tinalo si Mariel Romero; Cris Ramayrat, na namayani kay Cyril Ortega; at Nelson Villanueva, na lumusot kay Rogelio Enriquez, para pataubin ang Surigao.

Namuno naman sina Omar Bagalasca, Idelfonso Datu. Cua at Ramayrat sa panalo ng Pasig laban sa Iriga.

Sa iba pang tampok na mga laro, tinalo ng Manila Load Manna Knights ang Tacloban Vikings, 16.5-4.5, at Southern Conference frontrunner Toledo Trojans, 13-8, para sa ika-apat na pwesto na may 11-3 record.

Una dito, pinayuko ng Toledo ang Quezon City Simba’s Tribe, 14-7.

Nanalo para sa Trojans ni Atty. Jeah Gacang.sina Kim Steven Yap, Merben Roque, IM Angelo Young at Allan Pason laban kina Norman Madariaga (2-1), Francis Talaboc at Paulo Cristobal (3-0), Danilo Ponay (3-0) at Talaboc at Madariaga (3-0), ayon sa pagkasunod.

Ang PCAP, ang una at nag-iisang professional chess league sa bansa, ay pinamumunuan nina President- Commissioner Atty. Paul Elauria, at Chairman Michael Angelo Chua.

Ang kumpetisyon ay pinapangasiwaan ng Games and Amusements Board (GAB), sa ilalim ng liderato ni Chairman Atty. Richard Clarin.

Ginaganap ang mga laro tuwing Wednesday at Saturday.

Standings

Northern Conference

San Juan 13-1; Cavite 12-2, Pasig 12-2; Manila 11-3; Cagayan 8-6; Isabela 5-9; Rizal 5-9, Quezon City 5-9; Olongapo 0-14.

Southern Conference

Toledo 11-3, Camarines 10-4, Davao 9-5
Iloilo 7-7, Tacloban 7-7; Surigao 6-8; Negros 3-11; Mindoro 1-13, Iriga 1-13.