Just In

Calendar

April 2025
M T W T F S S
 123456
78910111213
14151617181920
21222324252627
282930  
PCAP

San Juan, Manila chessers hindi maawat

Ed Andaya Apr 9, 2025
52 Views

NAMAYANI ang Northern Conference teams laban sa kanilang mga katunggali mula sa Southern Conference, na kung saan hindi napigil ang San Juan Predators, Manila Load Manna Knights at Pasig Pirates sa pangunguna sa 2025 PCAP All-Filipino Conference.

Pinadapa ng San Juan ang South heavyweights Toledo Trojans, 11.5-9.5, at Camarines Soaring Eagles, 19-2; pinsuuko ng Manila ang Iloilo Kisela Knights, 17-4, at Bacolod Blitzers, 15-6; habang winalis ng Pasig ang Camarines Soaring Eagles, 17-4, at Iloilo Knights, 13-8, upang mapanatili ang kanilang 1-2-3 positions sa North.

Nanguna para sa San Juan sina GM Rogelio Barcenilla, Jr., na nakalusot kay Ellan Asuela, 2-1, sa board one; at Jan Jodilyn Fronda, na nanaig kay Cherry Ann Mejia, 3-0, sa women’s board.

Nagwagi naman para sa Toledo si GM Mark Paragua matapos maungusan si Karl Victor Ochoa, 2-1, sa board two.

Sa second match, nanalasa sina Barcenilla, Ochoa, Fronda at IM Ricardo de Guzman upang buhatin ang San Juan laban sa Camarines.

Sa kabuuan, tangan pa din ng San Juan ang No. 1 spot sa overall standings ss kanilzng perfect 9-0 win-loss record.

Samantala, sumandal ang Manila sa mga panalo nina IM Paulo Bersamina, Austin Jacob Literatus, Shania Mae Mendoza at IM Chito Garma laban sa mga katunggali mula Iloilo at Bacolod para sa 8-1 kartada.

Wahi din sina GM Daniel Quizon, Sherwin Tiu, Sherily Cua at Petronio Roca para sa Pasig laban sa Camarines and Iloilo.

Sa iba pang mga resulta, namayani din ang Cavite Spartans laban sa Iriga Oragons, 14.5-6.5, at Mindoro Tamaraws, 13-8; at Isabela Knights of Alexander laban sa Zamboanga Sultans, 14.5-6.5, ag TFCC LP Bamboo Knights, 19-2.

Ang PCAP, ang una at tanging professional chess league sa buong bansa, ay pinangungunahan nina President- Commissioner Atty. Paul Elauria, at Chairman Michael Angelo Chua.

Ang 16-team, two-division tournament ay sinusuportahan ng San Miguel Corporation, Ayala Land at PCWorx.

Ang mga online games ay ginagawa tuwing Wednesday at Saturday.

Standings

North — San Juan 9-0; Manila 8-1; Pasig 7-2; Cavite 6-3; Cagayan 4-5; Isabela 3-6; Quezon City 3-6; Rizal 2-7.
South — Toledo 8-1; Bacolod 7-2, Iriga 5-4; Camarines 4-5; Mindoro 2-7: Iloilo 2-7;
Zamboanga 2-7; TFCC 0-9.