Sandro

Sandro kinasuhan 3 anonymous accounts sa X

Vinia Vivar Aug 31, 2024
40 Views

Naghain ng reklamong cyber libel ang Sparkle artist na si Sandro Muhlach laban sa tatlong anonymous accounts sa “X” (dating Twitter) sa National Bureau of Investigation (NBI) —Cybercrime Division nitong Biyernes, August 30.

Mahigit sa 100 posts mula sa iba’t ibang social media pages ang isinumiteng ebidensya ng aktor sa NBI na nagsasaad ng mga paninira at pambu-bully sa kanya kaugnay ng naranasan niyang umano’y pang-aabuso mula sa dalawang GMA independent contractors.

Nanawagan naman ang lolo ni Sandro na si Alex Muhlach na irespeto ang privacy ng kanyang apo na dumaranas pa rin ng depresyon dahil sa nangyari.

Narito ang statement ng tatay ni Niño Muhlach: “Sandro has been struggling with significant challenges, such as anxiety, insomnia and loss of appetite. This has taken a toll on his physical and mental well-being.

“We kindly ask everyone to respect Sandro’s privacy during this difficult time. The online harassment and bullying he has been subjected to are only worsening his condition.

“Sandro needs our compassion and support as he walks towards recovery. We appreciate your understanding and respect for his journey towards healing.”

Nakatakda umanong padalhan ng NBI ng subpoena ang mga netizen na nag-post ng mga mapanirang comment para kwestiyunin.