Marianito Augustin

Sapat na pondo kailangna upang PH maging tourism powerhouse

296 Views

OPTIMISTIKO ang Chairman ng House Committee on Tourism na si Romblon Lone Dist. Congressman ELEANDRO JESUS “BUDOY” F. MADRONA na mabibigyan ng konsiderasyon ng House Committee on Appropriations para magkaroon ng increase sa 2024 proposed budget ng DOT kabilang na ang mga attached agencies nito.

Kasabay nito, ikinagalak ni MADRONA ang ipinaabot na pasasalamat ni Department of Tourism (DOT) Sec. CHRISTINA GARCIA FRASCO matapos itong sumalang sa budget deliberation ng Kongreso.

Nauna rito, nagpa-abot ng taos pusong pasasalamat si Frasco para sa Kamara de Representantes matapos ipahayag ng Committee on Appropriations na iko-konsidera nila ang pagkakaloob ng karagdagang pondo para sa DOT makaraang maaprubahan ang P2.99 billion budget nito para sa 2024.

Gayunman, ipinaliwanag ni MADRONA na maliit ang P2.99 billion budget ng DOT para sa susunod na taon o mababa ng 20% mula sa dating P3.7 bilyong pondo nito. Sapagkat nakahilera ang mga isususlong na programa ng ahensiya na nakapaloob sa National Expenditure Program (NEP) para sa 2024.

Binigyang diin ni MADRONA na kailangan ng sapat na pondo o magkaroon ng adequate funding ang DOT upang matagumpay na makamit nito ang kanilang objective na maging isang “tourism powerhouse” ang Pilipinas sa buong Asya na vision mismo ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr.

Sinabi ng kongresista na sesentro lamang ang buget hearing patungkol sa mga programa at adhikain ng DOT upang hindi mawala sa pokus ang nasabing deliberasyon at matutok sa mga kontroberisyal na usapin.