Duke

Cong. Duke Frasco bigay todo sa pagkakaloob ng serbisyo para sa kaniyang mga kababayan sa Cebu

147 Views

Marianito AugustinBIGAY TODO as in hataw sa pagbibigay ng serbisyo si House Deputy Speaker at Cebu 5th Dist. Congressman VINCENT FRANCO “DUKE” D. FRASCO sa kaniyang mga kababayan sa Cebu dahil matapos ang inilunsad nitong mga infrastructure projects ay isinunod naman nito ang pamamahagi ng cash assistance para sa 887 beneficiaries.

Pinangunahan ni FRASCO ang pamamahagi o distribution ng P3.8 million halaga ng cash assistance para sa 887 beneficiaries mula sa Munisipalidad ng Liloan, Cebu na maituturing na mga indigent o mga mahihirap na mamamayan.

Sinabi ni FRASCO na pagkatapos na paglulunsad nito ng mga infrastructure projects sa iba’t-ibang barangay sa kaniyang Distrito ay isinunod naman nito ang pamamahagi ng cash assistance upang ang lahat ng kaniyang mga kababayan o constituents ay maabot ng ipinagkakaloob niyang serbisyo.

Nabatid sa mambabatas na kabilang sa mga recipients na nakatanggap ng P4,350 cash assistance ay mula sa sektor ng Liloan Hog Raisers and Growers o ang mga nag-aalaga ng mga baboy. Kung saan, ang kanilang hanap-buhay ay lubhang naapektuhan ng African Swine Fever (ASF) outbreak sa Cebu.

Nagpaabot ng taos pusong pasasalamat ang mga beneficiaries para kay Frasco dahil sa pamamahagi nito ng cash assistance na itinuturing nilang napakalaking tulong para makapagpundar sila ng negosyo at iba pang kabuhayan.