Calendar

Sarangani dinalaw ni PBBM; agri booths inikot
INILUNSAD ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang Agri Puhunan at Pantawid Program (APP) sa Sarangani noong Biyernes.
Layunin ng administrasyon ni Pangulong Marcos na maisakatuparan ang seguridad sa pagkain sa pamamagitan ng pagbibigay ng suporta mga manggagawa sa sektor ng agrikultura.
Inilunsad ang APP noong Setyembre 2024 na naglalayong tulungan ang mga magsasaka at miyembro ng mga kooperatiba sa agrikultura.
Target nitong pataasin ang produktibidad at kita sa pamamagitan ng pagbibigay ng mababang tubong pautang at tulong pinansyal.
Tiningnan din ng Pangulo ang mga agri-products ng Planters Products, Inc. (PPI) at bumisita sa mga booth ng Kadiwa ng Pangulo.
Sinuri ng chief executive ang isang Intervention Monitoring Card (IMC) sa isang kiosk na hudyat ng opisyal na paglulunsad ng APP program.