Laguna

Scholarship grant sa Laguna walang tigil

Gil Aman Sep 3, 2026
160 Views

TULOY ang pagbibigay ng scholarship sa Calamba City sa pamamagitan ng bagong ATM para sa mga iskolar ng Laguna sa pamumuno ni Gob. Sol Aragones.

Libu-libo ring residente mula sa Santa Rosa City ang nakatanggap ng kanilang scholarship.

“Ang lahat ng Lagunense ay bibigyan ng pagkakataon na maging iskolar ng Laguna lalo na ang mga tunay na nangangailangan at deserving,” sabi ni Assistant Provincial Administrator Carina Macalos na kinatawan si Aragones.

Nagpasalamat sa pamahalaang panlalawigan at sa gobernador ang mga iskolar sa patuloy na pagpapaunlad ng programa para sa mga Iskolar ng Laguna.