Calendar
Scholarship program ng OWWA para sa mga anak, dependents ng mga OFWs ikinagalak ni Magsino
𝗜𝗞𝗜𝗡𝗔𝗚𝗔𝗟𝗔𝗞 𝗻𝗶 𝗢𝗙𝗪 𝗣𝗮𝗿𝘁𝘆 𝗟𝗶𝘀𝘁 𝗖𝗼𝗻𝗴. 𝗠𝗮𝗿𝗶𝘀𝘀𝗮 “𝗗𝗲𝗹 𝗠𝗮𝗿” 𝗣. 𝗠𝗮𝗴𝘀𝗶𝗻𝗼 𝗮𝗻𝗴 𝗶𝗸𝗶𝗻𝗮𝘀𝗮𝗻𝗴 “𝘀𝗰𝗵𝗼𝗹𝗮𝗿𝘀𝗵𝗶𝗽 𝗽𝗿𝗼𝗴𝗿𝗮𝗺” 𝗻𝗴 𝗢𝘃𝗲𝗿𝘀𝗲𝗮𝘀 𝗪𝗼𝗿𝗸𝗲𝗿𝘀 𝗪𝗲𝗹𝗳𝗮𝗿𝗲 𝗔𝗱𝗺𝗶𝗻𝗶𝘀𝘁𝗿𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻 (𝗢𝗪𝗪𝗔) 𝗽𝗮𝗿𝗮 𝘀𝗮 𝗺𝗴𝗮 𝗮𝗻𝗮𝗸 𝗮𝘁 𝗱𝗲𝗽𝗲𝗻𝗱𝗲𝗻𝘁𝘀 𝗻𝗴 𝗺𝗴𝗮 𝗢𝘃𝗲𝗿𝘀𝗲𝗮𝘀 𝗙𝗶𝗹𝗶𝗽𝗶𝗻𝗼 𝗪𝗼𝗿𝗸𝗲𝗿𝘀 (𝗢𝗙𝗪𝘀) 𝗻𝗮 𝗺𝗮𝗶𝘁𝘂𝘁𝘂𝗿𝗶𝗻𝗴 𝗻𝗮 𝗶𝘀𝗮𝗻𝗴 𝗻𝗮𝗽𝗮𝗸𝗮𝗹𝗮𝗸𝗶𝗻𝗴 𝗶𝗻𝘀𝗲𝗻𝘁𝗶𝗯𝗼 𝗮𝘁 𝗯𝗲𝗻𝗲𝗽𝗶𝘀𝘆𝗼 𝗽𝗮𝗿𝗮 𝗹𝗶𝗯𝗼-𝗹𝗶𝗯𝗼𝗻𝗴 𝗠𝗶𝗴𝗿𝗮𝗻𝘁 𝘄𝗼𝗿𝗸𝗲𝗿𝘀.
Sinabi ni Magsino na magbibigay ng napakalaking kaginhawahan para sa libo-libong OFWs na nagta-trabaho sa iba’t-ibang panig ng mundo ang inaalok na tulong ng OWWA sapagkat hindi na nila po-problemahin ang pagpapa-aral sa kanilang mga anak o dependents.
Ayon kay Magsino, ang ilalatag na scholarship program ng OWWA para sa mga OFWs ay maituturing din na isang “tropeo” na kumikilala at pagbibigay pugay sa napakalaking kontribusyon na naiaambag ng mga Migrant workers sa kaban ng pamahalaan sa pamamagitan ng mga remittances na nagmumula sa kanila.
Binigyang diin ng OFW Lady solon na hindi matatawaran ang napakalaking ambag ng mga OFWs sa ekonomiya ng Pilipinas. Kaya nararapat lamang aniya na maibigay ng gobyerno ang lahat ng suporta at tulong na kinakailangan nila lalo na para sa kanilang mga pamilya.
Nauna rito, hinihikayat ng OWWA ang mga anak at dependents ng mga OFWs na simulan na nilang maghanda ng kanilang mga dokumento para sa online application ng ilulunsad na “scholarahip program” para sa kaanak ng mga OFWs.
Ayon sa OWWA, mag-uumpisa ang application para sa Education for Development Scholarship Program (EDSP) at OFW Dependent Scholarship Program (ODSP) nito mula July 26 hanggang August 16, 2024 para sa mga nagnanais makakuha ng libreng scholarship.
Ipinaliwanag pa ni Magsino na sa hirap ng buhay sa kasalukuyang panahon Marami sa anak ng mga OFWs ang makakapagtapos ng kanilang pag-aaral nang wala gastos kasama na dito ang ilan sa kanilang mga kaanak.