Frasco Si DOT Secretary Christina Garcia Frasco kasama si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa World Trade Center matapos iprisinta ang ilan sa mga parangal na natanggap ng Pilipinas.

Sec. Frasco binigyan-diin kay PBBM pagsisikap ng DOT na isulong kagandahan ng PH

Jon-jon Reyes Oct 21, 2024
144 Views

IPRINISINTA ni Tourism Secretary Christina Garcia Frasco kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. noong Biyernes sa World Trade Center ang mga internasyonal na parangal na natamo ng Pilipinas.

Binigyang-diin ni Secretary Frasco ang pagsisikap ng Department of Tourism (DOT) na isulong ang kagandahan ng bansa, mayamang pamana ng kultura at ang hospitality ng mga Pilipino.

Kasama sa mga parangal ang mula sa World Travel Awards (WTA) Asia and Oceania Gala Ceremony, ang Leading Dive Destination sa Asya, Asia’s Leading Island Destination, Asia’s Leading Beach Destination, Asia’s Leading Wedding Destination (Cebu), Asia’s Leading Luxury Island Destination (Boracay), Asia’s Leading Tourist Attraction (Intramuros) at Asia’s Best Marketing Campaign for Love The Philippines.

Nominado rin ang bansa sa Leading Beach Destination, Leading Dive Destination, Leading Island Destination, Leading City Destination for Manila, Leading Wedding Destination para sa Cebu, Leading Tourist Attraction para sa Intramuros, Leading Marketing Campaign for Love the Philippines by the DOT at ang DOT as Leading Tourist Board.

Ipinagmamalaki rin ng Tourism Chief ang iba pang mga parangal na natamo ng bansa na lalong nagpapatibay sa Pilipinas bilang isang destinasyong dapat puntahan sa buong mundo.

Kabilang sa mga parangal na ito ang Best Beach Destination Award mula sa International Travel Awards sa Dubai, Best Ports of Call mula sa 10th Asia Cruise Awards sa Korea at Best National Tourism Organization para sa Tourism Promotions Board mula sa TTG Travel Awards.

Kinilala rin ang bansa sa GovMedia Conference & Awards para sa Tourist Rest Area bilang Infrastructure Project of the Year at Filipino Brand of Service Excellence Program bilang Training Program of the Year.

Ipinahayag ni Kalihim Frasco ang kanyang pasasalamat sa Pangulo sa kanyang walang patid na suporta sa sektor ng turismo na naging instrumento sa pagkamit ng mga milestone na ito para sa bansa.

Ang DOT nagpapatuloy sa kanilang pangako sa pagpapahusay ng imprastraktura ng turismo, pagtataas ng mga karanasan ng mga bisita at pagtataguyod ng mga napapanatiling kasanayan upang matiyak na ang Pilipinas nangungunang pandaigdigang destinasyon.

Dumalo sa pagtitipon sina DOT Undersecretary Shahlimar Hofer Tamano, Shereen Gail-Yu Pamintuan, Maria Rica Bueno, Assistant Secretary Gissela Quisumbing, Tourism Promotions Board (TPB) Philippines Chief Operating Officer Maria Margarita Nograles, Department of Trade and Industry (DTI) Acting Secretary Cristina Roque at Pasay City Mayor Imelda Calixto-Rubiano.