Frasco

Sec. Frasco inilunsad gov’t assistance caravan sa ngalan ni Gov. Garcia

Jon-jon Reyes Sep 13, 2024
125 Views

Sa ika-67th kaarawan ni PBBM

IPINAKITA ni Department of Tourism (DOT) Secretary Christina Garcia Frasco ang kanyang suporta sa “Handog ng Pangulo: Serbisyong Tapat Para sa Lahat” sa Cebu noong Biyernes.

Sa pagdiriwang ng ika-67 kaarawan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., inilunsad ni Cebu Vice Governor Hilario Davide III at Secretary Frasco ang government assistance caravan sa ngalan ni Cebu Governor Gwendolyn Garcia.

Binigyang-diin ni Kalihim Frasco na ang kaganapan sumasalamin sa malalim na pag-unawa ng Pangulo sa mga pangangailangan ng lahat ng mga Pilipino at ang kanyang pangako na tulungan ang lahat ng mamamayan.

“This event na tinatawag na Handog ng Pangulo, kung binisay-on, Halad sa Presidente, sa atung mga kaigsuunang Pilipino, na nagpapakita sa atung panlantaw sa atung Presidente who has a deep understanding of the needs of the Filipino people.

The necessity ng pagtiyak na ang mga serbisyo ng gobyerno nakakaangat sa buhay ng ating mga kapwa Pilipino, tumutulong sa ating mga komunidad, nagpapalakas sa ating mga maliliit at katamtamang negosyo, nakikinabang sa ating mga magsasaka, nagbibigay ng trabaho, kabuhayan, at tinitiyak na mayroong mga panlipunang proteksyon sa lugar kung sakaling magkaroon ng mga kalamidad at iba pang alalahanin ng araw-araw na buhay.

We thank the President for bringing these services sa atung mga kaigsuunan at sa pagpabati sa ating mga Sugbuanon na pinangga at gimahal ta sa atung Presidente,” sabi ni Frasco.

“Ang kaganapang ito ngayon, para sa ating mga kapwa Pilipino, nagpapakita ng malalim na pag-unawa ng ating Pangulo sa mga pangangailangan ng sambayanang Pilipino, at ang pangangailangang tiyakin na ang mga serbisyo ng gobyerno ay nakaangat sa buhay ng ating mga kapwa Pilipino,” dagdag ng kalihim.

Kasama sa Handog ng Pangulo ang iba’t-ibang hakbangin tulad ng pagsulong ng Department of Tourism (DOT) ng BBMG Privilege Cards, libreng legal consultations at notary services ng Department of Interior and Local Governance (DILG), Technical Education and Skills Development Authority (TESDA), pamamahagi ng allowance sa mga iskolar at suporta ng Department of Trade and Industry (DTI) para sa mga small and medium enterprises (SMEs) at mga konsultasyon sa negosyo.

Bukod pa riyan, isinulong ng Department of Information and Communication Technology (DICT) ang digital platform nito–ang eGOV PH super app–na nagbibigay ng accessible na serbisyo at impormasyon ng gobyerno, habang ang Department of Labor and Employment (DOLE) nagsagawa ng orientations at profiling ng mga enrollees.

Samantala, nag-aalok din ang Cebu Provincial Office ng iba’t- ibang serbisyo para suportahan ang mga mahihinang sektor ng lipunan.

“Habang ipinagdiriwang natin ngayon ang kaarawan ng Pangulo, naaalala natin ang kanyang panawagan para sa pagkakaisa na pinakamainam na masasalamin sa pagkakaisa na laging taglay at patuloy na taglay ng Cebu,” dagdag niya.

Dumalo sina DOT Assistant Secretary Ronald Conopio, DOT-7 Regional Director Judy Dela Cruz Gabato, Cebu provincial board members, mayors, iba pang pinuno ng gobyerno at mga pangunahing stakeholders sa event.