Calendar
Sec. Frasco, Jamaica Tourism minister tinalakay pagpapaunlad ng turismo, atbp
TINANGGAP ni Department of Tourism (DOT) Secretary Christina Garcia Frasco ang Ministro ng Turismo ng Jamaica na si Edmund Bartlett noong Miyerkules sa Centro de Turismo Intramuros sa Maynila.
Tinalakay nila ang mga prayoridad sa turismo, kabilang ang pagpapaunlad ng human capital sa turismo, pagkakapantay-pantay sa lipunan at turismo na nakabatay sa komunidad.
Ipinakilala ni Kalihim Frasco ang mga programa ng DOT, tulad ng Filipino Brand of Service Excellence (FBSE), Tourism Champions Challenge (TCC) at Philippine Experience Program (PEP) na nagpapakita ng mga pagsisikap na bigyang kapangyarihan ang mga lokal na komunidad habang tinitiyak ang pagpapanatili ng kapaligiran at kultura.
Ibinahagi ng kalihim ang pagkilala sa Pilipinas bilang isa sa mga unang tumanggap ng Global Tourism Resilience Award sa 2023 World Travel Awards.
Nakiisa sa courtesy call sina Honorary Consul Remedios Salud Tesoro Guerrero, DOT Undersecretaries Verna Buensuceso at Ferdinand Jumapao, Intramuros Administration Administrator Joan Padilla at Director Arlene Alipio.
Nilibot ni Kalihim Frasco si Bartlett sa Intramuros, isang dynamic visitor hub na pinagsasama ang kasaysayan at modernong teknolohiya.