Calendar
Sec. Frasco pinapurihan ni Madrona
Sa pagbibigay ng temporary accommodation sa stranded na turista
PINAPURIHAN ng chairperson ng House Committee on Tourism na si Romblon Lone Dist. Rep. Eleandro Jesus “Budoy” F. Madrona si Department of Tourism (DOT) Sec. Maria Christina Garcia Frasco dahil sa tulong na ibinigay ng ahensiya para sa mga na-stranded na turista sa iba’t-ibang rehiyon sa pamamagitan ng mga temporary accommodations nuong kasagsagan ng pananalanta ng bagyong Kristine.
Ayon kay Madrona, nakakabilib ang ipinakitang malasakit ni Frasco sapagkat tiniyak nito na magiging ligtas ang mga turista sa iba’t-ibang rehiyon habang humahagupit ang bagyong Kristine noong nakaraang linggo.
Kabilang ang mga lalawigan ng Batanes, Mauban, Quezon, MIMAROPA at Batangas sa mga lugar na may mga turista ang na-stranded.
Sabi ni Madrona na bagama’t napakatindi ang naging paghagupit ng Tropical Storm Kristine sa ilang bahagi ng bansa, nagpapasalamat pa rin ang mambabatas sapagkat sa kabila nito ay wala naman turista ang naapektuhan sa kasagsagan ng naturang bagyo.
Dagdag pa ni Madrona na hindi lamang ang mga dayuhang turista ang pinangalagaan ni Sec. Frasco sa kasagsagan ng bagyong Kristin kundi patin na rin ang mga lokal na turista kasabay ng agarang pagbibigay ng tulong para sa kanila.
Samantala, naging panauhing pandangal si Madrona sa blessing at inagurasyon ng Romblon Police Provincial Office sa Capaclan, Romblon.