Second gen COVID vaccines binigyan ng EUA

142 Views

BINIGYAN ng emergency use authorization (EUA) ng Food and Drug Administration (FDA) ang mga bivalent vaccine ng Moderna at Pfizer na mabisa sa mga bagong variant ng COVID-19.

Ayon kay DOH officer-in-charge Maria Rosario Vergeire lumabas ang EUA para sa bivalent o second generation vaccine noong nakaraang linggo.

Nagbigay na rin umano ng pahintulot ang Health Technology Assessment Council (HTAC) sa paggamit ng bivalent vaccine.

Posibleng dumating ang mga bivalent vaccine sa unang quarter ng 2023.