Patay

Selosong lolo kinatay si lola

Gil Aman Aug 26, 2025
186 Views

PATAY ang 60-anyos na babaeng senior citizen na sinaksak sa leeg ng asawang senior citizen din dahil sa umano’y matinding selos, nang dumating itong lango sa alak sa kanilang tahanan sa Barangay San Isidro, Cainta, Rizal, nitong Lunes.

Kinilala ng Cainta police ang ginang na nasawi na si alyas “Naneda,” na nagtamo ng malalim na sugat sa kanyang leeg at naubos ang dugo.

Ayon sa pulisya, mabilis na tumakas ang asawang suspek na kinilalang si alyas “Pedro.” Siya ay sasampahan ng kasong paricide. Ayon sa kanilang 26-anyos na anak na babae, si Pedro ang responsable sa pananaksak sa kanyang nanay.

Base sa isinagawang imbestigasyon, dumating sa kanilang bahay ang suspek na lasing sa alak. Galit na kinumpronta ang asawa nito dahil sa umano’y matinding selos na sanhi ng pananaksak sa leeg ng biktima.

Lumabas din sa imbestigasyon na nagkaroon ng struggle sa pagitan ng away ng dalawa hanggang saksakin sa leeg at matumba ang biktima dahil sa umagos na maraming dugo.

Isang hot pursuit operation naman ang isinasagawa ng pulisya upang agad na madakip ang suspek.