Imee

Sen Imee Marcos pinanumpa ang mga opisyal ng SPEEd

Eugene Asis Oct 17, 2022
209 Views

Imee1

PINANUMPA ni Sen. Imee Marcos sa tungkulin ang mga namumuno ng Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd), sa pangunguna ng bagong pangulo na si Eugene Asis (entertainment editor, People’s Journal) na ginanap sa Kamuning Bakery Café noong Huwebes, Oktubre 14.

Kilala si Sen. Imee bilang masugid na taga-suporta ng local entertainment industry. Pinamunuan niya ang Metropop, isang songwriting competition na nag-produce ng maraming talentong Pilipino tulad ni Freddie Aguilar. Siya rin ang namuno sa Experimental Cinema of the Philippines na gumawa ng mga kinilalang pelikula tulad ng ‘Oro, Plata, Mata’ at ‘Himala’ sa ilalim ng Experimental Cinema of the Philippines. Nasa likod din si Sen. Imee ng controversial hit film na “Maid in Malacanang” na ipinalabas kamakailan sa Pilipinas at kasalukuyang umiikot sa buong mundo.

Para sa mga opisyal ng SPEEd, isang malaking karangalan ang pagsuporta sa kanila ni Sen. Imee. Ang naturang grupo ng mga entertainment editor, na nagsimula bilang isang social club, ay nagbibigay rin ng mga parangal sa mga artista at manggagawa ng pelikulang Pilipino sa pamamagitan ng Eddys Awards, na inaasahang magaganap sa darating na Nobyembre.

Bilang pagtugon sa responsibilidad bilang mamamayang Pilipino, ang SPEEd ay nagbibigay rin ng scholarships at nagsasagawa ng reach-out programs sa ilang nangangailangang sektor.

Bukod kay Asis, ang SPEEd ay kinabibilangan din nina External Vice President, Tessa Mauricio Arriola (The Manila Times), Internal Vice President, Salve Asis (Pilipino Star Ngayon, PM), Treasurer, Dondon Sermino (Abante), Assistant Treasurer, Dinah Ventura (Daily Tribune), Auditor, Rohn Romulo (People’s Balita) Secretary, Maricris Nicasio (Hataw), Assistant Secretary, Gerardine Fe ‘Gie ‘Trillana (Malaya Business Insight), PROs, Nickie Wang (The Manila Standard) at Ervin Santiago (Inquirer Bandera), Board Members, Rito Asilo (Philippine Daily Inquirer), Neil Ramos (Tempo), Dindo Balares (Balita) at Jerry Olea (PEP), kasama ang mga tagapayo na sina Nestor Cuartero (Manila Bulletin) at Ian Farinas (People’s Tonight). President emeritus at isa sa founding members ng grupo ang namayapang mahusay na patnugot at manunulat na si Isah Red.