Jinggoy

Sen. Jinggoy itinanggi mga paratang

19 Views

SINABI ni Senador Jose “Jinggoy” Estrada na personal siyang nagpiyansa sa Sandiganbayan matapos maglabas ng arrest warrant ang Second Division nito, kasabay ng pagsasabing isinusumite niya ang sarili sa hurisdiksyon ng korte habang itinatanggi ang mga paratang laban sa kanya.

Sinabi ni Estrada na ang pagpiyansa ay legal na remedyo sa ilalim ng sistema ng hustisya at gagamitin niya ang lahat ng legal na paraan upang ipagtanggol ang sarili at linisin ang kanyang pangalan.

“I am personally posting bail before the Sandiganbayan in relation to the arrest warrant issued by its Second Division. Posting bail is a legal remedy available to me under our justice system, and I intend to avail myself of every lawful means to defend myself and clear my name,” sabi ni Estrada.

Itinanggi rin niya ang mga paratang laban sa kanya.

“Mariin kong itinatanggi ang mga paratang laban sa akin. Ang mga ito ay walang batayan at walang bahid ng katotohanan,” sabi niya.

Ayon sa mga ulat, naghain ang Ombudsman ng kasong graft at plunder sa Sandiganbayan kaugnay ng flood-control controversy. Itinanggi ni Estrada ang mga alegasyon.

Sinabi ni Estrada na iginagalang niya ang rule of law at mga institusyong panghukuman, at ang kanyang pagpiyansa at personal na pagsusumite sa hurisdiksyon ng Sandiganbayan ay bahagi ng posisyong ito.

“I respect the rule of law and our judicial institutions, and this is precisely why I am posting bail and personally submitting myself to the jurisdiction of the Sandiganbayan,” sabi niya.

Sinabi ng senador na umaasa siya sa patas na pagtrato, due process at walang kinikilingang pagdinig.

“Umaasa ako sa patas na pagtrato, due process, at pagiging walang kinikilingan sa pagdinig ng kasong ito. Nagtitiwala ako na sa huli, mananaig ang hustisya at ang katotohanan,” sabi ni Estrada.