Lapid1

Sen. Lapid dumalo sa kick-off ng Bantay Kalusugan ni Rep. Garin sa Iloilo

160 Views

DUMALO si Senador Lito Lapid sa paglulunsad ng Bantay Kalusugan program ni Congresswoman Janette “Doc Nanay” Garin sa Miag-ao, Iloilo nitong Linggo, April 21.

Naserbisyuhan ang higit sa 300 pasyente kabilang ang mga senior citizens, kabataan, PWDs at mga buntis na nag-avail ng libreng serbisyong medikal at mga gamot.

Binigyang-diin ni Senador Lapid na mahalaga na maging accessible at inclusive sa lahat ang healthcare services ng gobyerno.

Kaugnay nito, kinumpirma ni Lapid ang kanyang todo suporta sa magandang inisyatiba ni Cong. Garin na umanoy nagsisilbing daan sa pag-avail ng tulong medikal at libreng mga gamot sa mahihirap na Pinoy.

“Ang ganitong mga gawain ay malaking tulong na sa mga hikahos sa buhay, lalo na ang mga walang senior citizens, pwds at iba pa. Karamihan sa atin kahit na may sakit ay nagtitiis na lang, sa halip kasi na ibili ng gamot at nagpa-check up sa doktor ay ipinambibili na lang ng pagkain ng pamilya,” dagdag ni Lapid.

“In a nation where healthcare accessibility remains a pressing issue, initiatives like the Bantay Kalusugan program serve as beacons of hope, bridging gaps and ensuring that no one is left behind in the pursuit of good health and well-being,” aniya.

Kasama ng Senador sa event ang kanyang anak na si TIEZA COO Mark Lapid na nagpaabot ng kanilang commitment sa serbisyo publiko at kapakanan ng bawat komunidad. Nagpapatunay lang na ang presensya ng mag-amang Lapid sa nasabing aktibidad ay patunay na dapat magkaisa para makamit ang bisyon o mithiin na magbigay ng abot-kaya ay de kalidad na serbisyong pangkalusugan sa lahat ng sektor ng lipunan.