Bonoan

Sen. Ping bineberipika mga DPWH projects na ‘hiningi’

108 Views

BINE-verify ni Senate President Pro Tempore Panfilo “Ping” Lacson ang impormasyon tungkol sa listahan ng flood control at iba pang infrastructure projects ng Department of Public Works and Highways na umano’y “hinihingi” kaugnay ng pagkumpirma kay dating DPWH Secretary Manuel Bonoan.

Ayon kay Lacson, lumabas ang impormasyon habang nag-iinspeksyon siya sa mga pinaghihinalaang maanomalyang flood control project sa iba’t-ibang bahagi ng bansa.

“Meron kaming information (na) sa pagdinig ng CA sa confirmation ni Bonoan as DPWH Secretary naging kasangkapan ang confirmation para makapag-appropriate or makapagsingit,” sabi ni Lacson.

Sinabi niya na ang impormasyon ay mula kay dating DPWH Undersecretary Roberto Bernardo.

Dagdag pa ni Lacson, bineberipika niya ang impormasyong mula kay Bernardo kung sino ang umano’y nag-request kay Bonoan.

Sinabi rin ni Lacson na sinusuri niya ang mga flood control project, kabilang ang isa sa Metro Manila kung saan lalong lumala ang pagbaha matapos maitayo ang isang pumping station.

“Kung naging substandard o ghost, ibang usapan yan. So magiging panibagong recommendation ‘yan ng Blue Ribbon Committee.

“Masampahan ng kaso kung sino ang may kagagawan,” sabi ni Lacson.