Sen. Tulfo

Sen. Tulfo idiniin: Seguridad sa borders, airports, seaports palakasin

75 Views

HINIMOK ni Sen. Raffy Tulfo ang gobyerno na palakasin ang seguridad sa mga border ng Pilipinas sa pamamagitan ng pagtukoy sa mga kakulangan sa mga operational procedures ng mga paliparan at pantalan.

Sa isang pagdinig ng Senate Committee on Public Services noong Setyembre 12, 2024, binigyang-diin ni Tulfo ang kahalagahan ng pagpapatibay ng seguridad upang mapigilan ang smuggling, human trafficking at pagtakas ng mga kriminal.

“In today’s hearing, we will discuss the vulnerability of our borders, airports and seaports… especially those fugitives who are evading arrest, just like what happened to Alice Guo,” sabi ni Tulfo.

Binanggit niya ang pangangailangan para sa pakikipagtulungan ng iba’t-ibang ahensya, kabilang ang Bureau of Immigration (BI), Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP), Philippine Coast Guard (PCG) at Maritime Industry Authority (MARINA), upang matukoy at maresolba ang mga kahinaan sa seguridad.

Ipinakita ni Tulfo na ang ilang mga indibidwal, kabilang ang mga kriminal at fugitive, gumagamit ng chartered flights at backdoor exits upang mag-smuggle ng mga mga kalakal at mag-human traffic sa papasok at palabas ng bansa.

Naunang inihayag ni Tulfo ang isang human trafficking scheme na gumagamit ng “backdoor pass” para mag-smuggle ng Overseas Filipino Workers (OFWs) mula sa Pilipinas patungong Malaysia, Thailand at Europe.

Ibinahagi ng ilang OFWs ang kanilang mga kwento kay Tulfo na nagsasabi na sila ilegal na nirekrut at nagbayad ng P400,000 bawat isa sa pag-asang makapagtrabaho sa ibang bansa, ngunit nagdanas ng pang-aabuso at matinding pinansyal na kahirapan.

Binigyang-diin din ni Tulfo ang kaso ni Alice Guo, na may parehong ruta sa pagtakas mula sa bansa na ginamit sa human trafficking scheme.

Hinimok niya ang mas mahigpit na regulasyon sa mga pribadong paglalayag sa dagat upang mapigilan ang human trafficking at mga operasyon sa smuggling.