Khonghun

Senado hindi dapat magpa-dikta sa gusto ng malalaking negosyante sa usapin ng Cha-cha

Mar Rodriguez Mar 5, 2024
117 Views

NANAWAGAN si House Assistant Majority Leader at Zambales Rep. Jefferson Khonghun sa mga senador na huwag magpadikta sa mga malalaking negosyante sa usapin ng pag-amyenda sa economic provisions ng Konstitusyon.

Ayon kay Khonghun ang pagtutol sa usapin ng Charter change ay hindi dapat para sa pangsariling interes.

Ginawa ni Khonghun ang pahayag bilang reaksyon sa umano’y pagtutol ng mga negosyante sa pagpapaluwag ng pagpasok ng mga dayuhang mamumuhunan sa bansa.

“So sana maging open-minded yung ating mga Senador. Wag lang sana nilang tignan ‘yung kung ano yung kanilang (big businesses) kalagayan ngayon. Dahil siguro marami sa kanila (big businesses) ay may mga pinoproteksyonan din na mga interest na negosyo or may pinoproteksyonan na kanya-kanyang pagmomonopola ng kanilang negosyo,” sabi ni Khonghun, vice chair ng House Committee on Energy.

“So sana ano, sabi nga nila maging open-minded sana yung ating mga Senador sa pagbabago,” dagdag pa nito.

Iginiit ni Khonghun na mga eksperto na ang nagsasabi na kailangang amyendahan ang Saligang Batas upang makasabay ang bansa sa mga pagbabago sa mundo.

“Nakita naman natin sa mga pagdinig noong nakaraang tatlong araw. Marami ang nagsasabi, mga ekonomista, mga constitutionalist, na kailangan na talagang baguhin ang ating Constitution dahil nagiging sagabal ito sa mga gustong mamuhunan dito sa ating bansa,” sabi nito.

Sinabi ni Khonghun na kailangan ng pamumuhunan ng bansa upang dumami ang oportunidad ng mga Pilipino na kumita ay hindi manatiling mahirap ang mga ito.

“Matagal na ‘yung Constitution natin na nandiyan at marami ang nagsasabi na ‘yung mga mahihirap lalo naghihirap. Dahil nga takot yung ating mga negosyante, ‘yung mga negosyante sa ibang bansa na mamumuhunan sa Pilipinas, dahil nga nagiging sagabal dito ‘yung ating Constitution,” sabi ni Khonghun.

“So dito mo makikita na talagang Congress is doing everything, na magagawa niya para matulungan ‘yung ating mamamayan na magkaroon ng trabaho,” dagdag pa nito.

Ayon naman kay Bataan Rep. Geraldine Roman dapat ay welcome development sa mga malalaking negosyante ang pagpasok ng mga dayuhang mamumuhunan.

“Now, I have also been told especially nung mga nakakausap ko din sa grassroots na medyo tinatawag natin makakaliwa, sabi nila to, ‘Ma’m takot ho kasi yung ibang mga businessman lalo na ‘yung mga bigtime businessman na magkakaroon ng kompetensiya from foreign investors, they would lose their monopolies,” sabi ni Roman.

“You know, if you’re really loyal to the interest of a country, you will welcome competition, and all know that. Competition is good because when there is competition, companies will vie for customers and clients and how do they do that? By improving the quality of their services, of their products and also by lowering prices,” dagdag pa nito.

“So, this is how these amendments to the economic provision can directly impact the lives of so many Filipinos. I would like to think of course that our Senators remain loyal to their true calling, which is to protect the interest of the Filipino people, not the interest of the few monopolies,” sabi pa ng lady solon.