Senado1

Senado hinimok tugunan P200 dagdag sahod na inaprubahan ng Kamara

34 Views

IKINATUWA ni Sen. Juan Miguel Zubiri ang pag-apruba ng House of Representatives ng P200 dagdag sa arawang minimum na sahod.

Nanawagan siya sa Senado na tugunan ang panukala upang mapagsama ang mga bersyon mula sa parehong kapulungan.

Iginiit ni Zubiri ang pangangailangang tapusin ang proseso bago ang nakatakdang sine die adjournment ng Kongreso. “If they just want to adopt it, so be it. Let us adopt,” aniya.

“But if they plan to do some amendments, I also urge my colleagues in the Senate and the Senate President to come up with a bicam as soon as possible para ma-tackle pa ito in the next three days.”

Binigyang-diin ni Zubiri ang matinding pangangailangang pinansyal ng mga manggagawang Pilipino lalo’t patuloy ang pagtaas ng mga bilihin.

Dagdag pa rito, nagpahayag siya ng kasiyahan sa desisyon ng Kamara at umaasang makakabuo agad ng iisang bersyon ng batas upang mapirmahan ito sa lalong madaling panahon.

“I’m elated, delighted, extremely happy with the approval of the House of Representatives on their Minimum Daily Wage Hike version, and hopefully it can jive with ours in the Senate at maging batas na po ito,” aniya.

Batay sa panukalang inaprubahan ng Kamara, layon nitong itaas ng P200 ang minimum daily wage bilang tugon sa patuloy na inflation at upang mapalakas ang kakayahang bumili ng mga manggagawang mababa ang kita.