Senate NAKA-HALF mast ang watawat ng Pilipinas sa Senado bilang pagluluksa sa pagpanaw ng dating pangulo ng Senado na si Juan Ponce Enrile noong Nobyembre 13, 2025, Huwebes. Kuha ni JOSEPH MUEGO

Senado nagbigay pugay kay JPE

239 Views

NAGLUKSA ang buong Senado nitong Huwebes sa pagpanaw ni dating Senate President Juan Ponce Enrile Sr., na ayon sa anak niyang si Katrina ay namatay nang payapa sa kanilang tahanan dakong 4:21 p.m. sa edad na 101. Binanggit na ginagamot siya dahil sa pneumonia at naipasok muna sa intensive care unit.

Sinuspinde ni Senate President Tito Sotto III ang sesyon at nagpaabot ng pahayag: “With great sorrow… our beloved colleague, mentor, and friend… has joined our Creator.

He dedicated his whole life, even until his last days, to public service… We will remember him for his formidable intellect and compassion… His legacy will live on… in the hearts of many Filipinos.”

Isinilang noong Pebrero 14, 1924, naglingkod si Enrile nang higit limampung taon bilang Kalihim ng Katarungan, Kalihim ng Pambansang Tanggulan, senador, Pangulo ng Senado (2008–2013), at Chief Presidential Legal Counsel mula 2022.

Nagpugay si Senador Francis “Chiz” Escudero: “Until his final days, Juan Ponce Enrile served… a testament to his unwavering dedication. In my first Senate term, he was like a father… I proudly sponsored Senate Resolution 1223 honoring his service. With his passing, the nation has lost a true son of the Republic. Manong Johnny, rest in peace.”

Sinabi ni Sen. Sherwin Gatchalian na nakikiisa siya sa pagluluksa at inilarawan si Enrile bilang estadistang may “enduring and unmatched record.”

Inilarawan naman ni Sen. Jinggoy Ejercito Estrada si Enrile bilang “a towering figure in our nation’s public service” at “parang ama” sa kaniyang unang mga taon sa Senado, bago sabihing nawala sa kaniya ang “mentor at kaibigan.”

Naglabas din ng hiwalay na mensahe si Sen. Francis “Kiko” Pangilinan, na nagsabing: “Ang lahat sa mundong ito ay may kanya-kanyang panahon, may kanya-kanyang oras…” Ipinahatid niya ang taos-pusong pakikiramay kina Cristina, Katrina, Jack, at buong pamilya, at nagdasal para sa kanilang lakas at kapanatagan. Tinapos niya ang mensahe sa: “Rest in peace, Manong Johnny.”

Sa pagpanaw ni Enrile, nagwawakas ang isang mahaba at makulay na karera sa serbisyo publiko—minarkahan ng pamumuno, impluwensya, at mga panahong hindi nakaligtas sa kontrobersiya. Ayon sa pamilya, ilalabas ang detalye ng mga burol at seremonya kapag handa na ang lahat.