Villanueva

Senado pinagtibay resolusyon pumupuri sa tagumpay ni Eala

264 Views

PINAGTIBAY ng Senado ang isang resolusyon na kumikilala at pumupuri sa tagumpay ni Alex Eala sa 2022 Girls’ Junior Grand Slam Singles Crown sa US Open Tennis Tournament na idinaos sa New York City.

Ayon kay Senate Majority Leader Joel Villanueva lahat ng 24 na senador ay sumuporta sa resolusyon.

“This shows how the Senate supports our Filipino athletes,” sabi ni Villanueva na siyang nag-sponsor ng panukala sa plenaryo.

Pinuri rin ni Villanueva si Eala sa paggamit ng lenguwaheng Pilipino sa kanyang winning speech.

“What could be a proud moment other than knowing that this young blood delivered her speech in Filipino in front of thousands of sports enthusiasts? Reminding us of where she has started and tracing back her roots as a Filipino blooded protegee,” sabi ng senador.

Muli ring nanawagan si Villanueva ng suporta para sa mga atletang Pilipino.