Obiena

PBBM todo suporta kay EJ Obiena

215 Views

IBINIGAY ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang kanyang buong suporta sa Filipino ace pole vaulter na si Ernest John “EJ” Obiena na naghahanda ngayon sa paparating na 2024 Summer Olympics sa Paris.

“We look forward to the Games in Paris. I hope you do well. If there is anything that we can do to help you na maging mas maganda ang inyong resulta, at mas maganda ang maging training, lahat ng ano, sabihin ninyo sa akin dahil napakahalaga ng iyong ginagawa,” sabi ni Marcos.

Nagbigay-pugay si Obiena kay Marcos sa Malacañang kamakailan.

“From your President and I think from the rest of the Philippines, kami’y nagpapasalamat sa lahat ng iyong ginawa, sa dangal na idinala mo sa ating bansa. I think that is the greatest tribute that you can give, the greatest service that you can give to our country is to bring honor to the Philippines,” sabi ng Pangulo.

Nagpasalamat din si Marcos sa iba pang sumusuporta kay Obiena upang maabot nito ang kanyang mga tagumpay at magiging tagumpay.

Si Obiena ang ikatlo sa men’s pole vault world ranking matapos ang kanyang makasaysayang panalo sa World Athletics Championships noong Hulyo.