Chiz

Senado pinuri si PBBM, nagpasalamat sa Indonesia

110 Views

Nagkaisa ang mga senador sa pagpapahayag ng pasasalamat sa pamahalaan ng Indonesia habang pinuri si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa pagbabalik ni Mary Jane Veloso, na hinatulan ng parusang kamatayan Ilan taun na ang nakakaraan.

Pinuri nina Senate President Francis “Chiz” Escudero, Senate President Pro Tempore Jinggoy Ejercito Estrada, Senador Grace Poe, at Senador Raffy Tulfo ang matagumpay na diplomatikong pagsisikap ng pamahalaan ng Pilipinas na nagbigay-daan sa nalalapit na pagbabalik ni Mary Jane Veloso matapos ang 14 na taon sa death row sa Indonesia.

Sa kanyang pahayag, pinasalamatan ni Senate President Chiz Escudero si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at ang Department of Foreign Affairs (DFA) para sa kanilang walang sawang diplomatikong pagsisikap.

Nagpaabot din si Escudero ng pasasalamat sa pamahalaan ng Indonesia, partikular kay Indonesian President Prabowo Subianto, para sa kanilang malasakit sa kaso ni Veloso.

Pinuri rin ni Senate President Pro Tempore Jinggoy Ejercito Estrada ang Malacañang sa patuloy nitong pagsisikap para mapauwi si Veloso.

“I commend the ongoing efforts of Malacañang to facilitate the return of Mary Jane Veloso to our country. This initiative reflects the administration’s commitment to safeguarding the welfare and dignity of every Filipino, particularly those who find themselves in challenging circumstances abroad,” ani Estrada.

Binigyang-diin pa ni Estrada na si Veloso ay biktima ng panlilinlang at pagsasamantala ng mga mapagsamantalang indibidwal.

“Mary Jane is a victim of circumstance, having been deceived by unscrupulous individuals who exploited her vulnerability and unwittingly used her as a courier in their illegal schemes. Her situation highlights the urgent need to protect overseas workers from similar predicaments and to strengthen mechanisms against human trafficking and illegal recruitment,” dagdag niya.

Nanawagan din siya sa Department of Justice na muling suriin ang kaso ni Veloso at kilalanin siya bilang biktima ng human trafficking.

“Her case deserves a thorough review. I urge the Department of Justice to consider her status as a victim of human trafficking and involvement in drug syndicates. They should explore options for clemency or commutation of her sentence, recognizing her as a victim rather than a criminal,” aniya.

Sa kanyang pahayag, binigyang-diin din ni Senador Grace Poe ang kahalagahan ng pangangalaga sa karapatan at kapakanan ng mga Overseas Filipino Workers (OFWs). “The welfare of our OFWs is a matter of great importance, it is incumbent upon concerned government agencies to safeguard our migrant workers and guarantee their rights,” ani Poe.

Samantala, pinuri ni Senador Raffy Tulfo, Chairperson ng Senate Committee on Migrant Workers, si Pangulong Marcos Jr. para sa kanyang liderato sa pagpapauwi kay Veloso.

“I commend President Bongbong Marcos Jr. for his successful diplomatic efforts that paved the way for the impending return of Mary Jane Veloso to the Philippines after spending 14 years on death row in Indonesia,” ani Tulfo.

Naaresto si Veloso sa Indonesia noong 2010 dahil sa pagdadala ng ilegal na droga at hinatulan ng kamatayan. Ipinagpaliban ang kanyang pagbitay noong 2015 matapos ang serye ng mga apela mula sa gobyerno ng Pilipinas.

Ang nalalapit na pagbabalik ni Veloso ay itinuturing na isang mahalagang tagumpay sa diplomatikong pagsisikap ng bansa at isang simbolo ng pangako nito sa pangangalaga sa karapatan ng mga Pilipinong migranteng manggagawa.

Nananawagan ang mga senador para sa pagpapatibay ng mga programa laban sa human trafficking, illegal recruitment, at iba pang mapanirang gawain upang maprotektahan ang mga OFW sa buong mundo.