Kamara

Senado: Salamat sa ‘very good’ rating

52 Views

NAGPAHAYAG ng matinding papasalamat ang Senado sa ilalim ng pamumuno ni Senate President Francis “Chiz” G. Escudero, kung saan ay inamin nito na malaking bagay ang tiwalang pinagkakaloob ng publiko sa Senado at sa mga trabaho nitong ipinakita na ayon sa pinakabagong survey ay binigyan ng mataas na puntos ng publiko base sa pinakabagong survey ng Social Weather Stations (SWS) para sa ikalawang quarter ng 2024.

“Nagpapasalamat ang Senado sa tiwala na ibinigay ng sambayanang Pilipino sa institusyon. Ang ‘very good’ rating na ito ay malinaw na nagpapatunay sa pangako ng bawat senador na maglingkod nang may integridad at dedikasyon,” ani Senate spokesperson Arnel Bañas.

Ang SWS survey, na isinagawa mula Hunyo 23 hanggang Hulyo 1, 2024, ay nagpakita na 66 porsiyento ng mga respondent ang nasiyahan sa pagganap ng Senado, habang 16 na porsiyento ang hindi nasisiyahan. Nagresulta ito sa net satisfaction rating na +50 puntos, na inuri bilang “napakahusay.”

Inamin ni Bañas, Senate Deputy Secretary for Administrative and Financial Services, ang bahagyang pagbaba mula sa unang quarter ng +55 rating, kung saan ay naniniwala sya na ito ay isang paalala na laging may puwang para sa pagpapabuti ng serbisyo ng Senado.

“This slight drop in the ratings is a reminder that the Senate must continue working tirelessly to meet the people’s expectations,” Bañas said. “It’s a challenge for the senators to be even more responsive to the nation’s needs and to ensure that their legislative work has a meaningful impact.”