Calendar

Senator-elect Erwin Tulfo uunahing trabahuhin maibalik sa palengke NFA rice
UUNAHING trabahuin ni incoming Senator-elect Erwin Tulfo sa pagbubukas ng sesyon ng Senado ngayon hulyo ang maibalik muli sa mga palengke ang NFA rice.
Ayon kay Tulfo, “Kailangan munang balikan at i-adjust ang ilang probisyon sa Rice Tarificarion Law (RTL) o ang Republic Act 12078.
Inalisan ng kapangyarihan ang NFA ng nasabing batas na magbenta ng bigas sa mga palengke.
Maari lang itong bumili ng bigas sa mga magsasaka o mag-angkat ng bigas mula sa ibang bansa para gawing “buffer stock” ng bansa.
“At dahil inalis sa nfa ang pagbenta ng murang bigas sa palengke, tanging mga traders at importers na lang ang nagbebenta ng bigas sa merkado ngayon. At dahil wala ng murang bigas mula sa NFA, kontrolado na ng mga cartel ang presyo ng bigas sa palengke,” ani Tulfo.
Inalis sa NFA ang pagbenta ng bigas sa mga palengke dahil sa umano’y malawakang korapsyon sa nasabing ahensya.
“Inalis mo nga sa NFA ang pagbenta ng bigas, ang sambayanan naman ang nagdusa.Trabaho ng Ombudsman ang magbantay ng mga ahensya at opisyal na korap di ba?” dagdag ni Tulfo.