Nancy Si Senator Nancy Binay nang mag-file ng certificate of candidacy (COC) para sa. mayoralty race sa Makati City kasama ang kanyang running mate na si dating Makati councilor at aktor na si Monsour del Rosario.

Senator Nancy Binay naghain ng COC bilang mayor ng Makati

Edd Reyes Oct 1, 2024
122 Views

AMINADO si Senator Nancy Binay na hindi nagkaroon ng pagkakataon na magkausap sila ng kapatid na si Makati Mayor Abby Binay sa kabila ng mga pagtatangka ng ilan nilang malalapit na kaibigan na maayos ang gusot sa kanilang pagitan.

Gayunman, sinabi ng Senadora na sa kabila ng kawalan ng puwang para sila magkausap, pamilya pa rin naman sila at mas mangingibabaw aniya ang pagiging pamilya nilang magkapatid kumapara sa pulitika.

“Hindi ko kalaban ang kapatid ko, walang Abby Binay sa balota, so hindi kami magka-away,” paglilinaw ng Senadora nang maghain siya ng kanyang Certificate of Candidacy (COC) Martes ng umaga sa Barangay Valenzuela Community Complex sa Makati City.

Sinabi ng Senadora na umaasa pa rin siya na magpapasiya ang asawa ng kanyang kapatid na huwag ng tumuloy sa pagkandidato at igalang na lamang ang pasiya ng aming pamilya na siya ang magpatuloy ng pgkakaloob ng serbisyo sa mamamayan ng Makati.

“Malay mo, siya naman ang hindi tumuloy, there is still a possibility na baka makausap siya ng kapatid ko at siya na mismo magsabi sa asawa niya na huwag ka ng tumakbo, ibigay na natin ito ke Ate Nancy. There is always hope, at the end of the day magkakaayos kaming magkakapatid,” sabi pa ng Senadora.

Dugtong pa ni Sen. Binay, kung sakali at palarin siyang magwagi sa halalan, ipagpapatuloy pa rin niya ang lahat ng mga nasimulan ng kanyang kapatid kahit pa tiyak na mahaharap siya sa malaking hamon bunga ng pagkawala ng EMB Barangays sa kanilang lungsod.

Kasama ng Senadora sa paghahain niya ng COC ang kanyang running mate na si Monsour del Rosario na tatakbo bilang bise alkalde ang nakababatang kapatid na si dating Mayor Junjun Binay na todo-suporta sa kanyang ate.

Posibleng makalaban ng Senadora sa pagka-alkalde ng lungsod ang kanyang bayaw na si Cong. Luis Campos habang makakalaban naman sa pagka-bise alkalde ni Del Rosario si Makati 1st District Rep. Romulo “Kid” Valderama Peña Jr. Kasama si PS JUN M. Sarmiento